Robin nilamon na rin ng bulok na sistema sa showbiz

NAPANOOD ko ang isang video clip ni Robin Padilla sa Bandila last Friday – ito yung tungkol sa sigalot between the Film Academy of the Philippines’ head Leo Martinez and MMDA chair Atty. Francis Tolentino.

This is regarding the alleged non-remittance diumano ni Tolentino sa ipinangako nitong pera as beneficiary ng Metro Manila Fulm Festival that amounts to P82 million.

Nagpaliwanag naman si Chairman Tolentino on the matter pero seems like the FAP head doesn’t buy his theory. Then comes Robin Padilla na natanong sa kaniyang position on the issue dahil meron nga itong entry this year sa MMFF, ang “10,000 Hours”.

I can’t quote Robin exactly on what he said pero ang mensahe niya ay dapat daw tumahimik na muna si Leo Martinez on the issue kasi raw meron siyang entry sa kasalukuyang MMFF.

Siyempre, ang kakampihan daw niya ngayon ay si Chairman Tolentino dahil may pelikula nga raw siya. Kung next year daw ito maging isyu, baka maiba ang opinyon niya.

Nalungkot kami sa tinurang iyon ni Robin dahil ang pagkakilala namin sa kanya ay straightforward on issues – na kumakampi lamang sa tama at hindi puwedeng mabili sa anumang pagkakataon.

We are not saying na tama si Leo Martinez dito or si Chairman Tolentino for that matter pero obviously, Robin was merely protecting his interest dahil may entry nga siya sa filmfest.

Halimbawa ay tama ang punto ni Leo, ganoon na lang ba iyon, Binoe? Or baka nagpapatawa lang si Robin na hindi natin nabatid, di kaya?

Kasi ang sagwa ng dating sa ating mga taga-industriya – very childlike and insulting sa mga taong ipinaglalaban ang kapakanan ng mga taga-showbiz.

Inaasahan pa naman natin si Robin bilang isang mahusay na lider, bilang isang magaling na advocate pero hearing words like these, parang nakaka-off naman si Binoe.

Nagulat kami sa mga sinabi niya. For sure, kahit siya – kung napanood niya ang clip na iyon ng Bandila, baka na-off din siya sa sarili niya with what he said.

Nothing personal on Robin dahil mahal naman natin iyan, sana next time na magsalita siya, pag-isipan muna niya nang mabuti dahil for his fans, whatever he says – right or wrong – ay gospel truth sa kanila iyon at susundin nila.

Imagine, para sabihin mong tumigil muna si Leo ngayon dahil may MMFF entry siya – what kinda?

( Photo credit to Google )

Read more...