Buboy alam mo na…Sunshine, Ejay may lihim na relasyon


Nali-link pala si Sunshine Cruz kay Ejay Falcon. When asked by a reported kung ano ang pakiramdam at nali-link siya kay Sunshine ay may halong pagkagulat ang sagot ni Ejay.

He denied outright na merong something sa kanila ni Sunshine. After all, nanay ang turing niya sa dyowa ni Cesar Montano na kasama niya sa isang soap sa ABS-CBN.

Si Sunshine naman ay nag-react sa nasulat ng reporter and tweeted, “I don’t understand why iam being linked to my anak anakan hahaha! Good night. :)”

Isang follower din niya sa Twitter ang nagtanong kung bakit nga ba siya nali-link sa binata. Isang, “Ganun po ata talaga ang buhay showbiz pati sa anak-anakan inili-link” ang naging tugon lang ni Sunshine.

Hiwalay na sina Sunshine at Cesar pero mukhang malabo pang makakita ng guy na ipapalit ang aktres sa kanyang asawa. Simpleng babae lang naman kasi si Shine, hindi siya palagimik, wala siyang hilig lumabas at dahil dito ay limited lang ang makikilala niyang guy.

At saka concentrate si Sunshine sa pag-aalaga sa kanyang mga anak kaya wala siyang time to entertain suitors.

( Photo credit to Google )

Read more...