Shaina: Wala kaming relasyon! ni Papa P!


“Wala kaming relasyon ni Papa P!” Ito ang paglilinaw ni Shaina Magdayao sa walang tigil na isyu sa kanila ni Piolo Pascual.
Marami ang naniniwala na may relasyon na sila ni Piolo pero panay pa rin ang pagtanggi nila.

Kamakailan ay nagkasama sila sa show ng Kapamilya network sa London at marami ang nakakita sa sobrang sweetness nila.ay sweet na sweet ang dalawa.

Depensa naman ng aktres, “Opo, kasi magkakasama kami, si Papa P, si Enchong (Dee), si Pooh, tapos si ate Gretchen (Barretto) was there also. Masaya!”

“Kami ni Papa P? Magkaibigan kami, promise! And you know, if there’s anything, hindi mo siya made-deny.  “Hindi mo made-deny ang isang Piolo Pascual dahil, unang-una, napakabuti naman niyang tao.

Gusto ko, ‘yung next na papasukan kong relationship, hindi na siya ka-deny-deny. Hindi ako papasok sa isang relationship na ka-deny-deny.”

Handa na ba siyang pumasok sa bagong relasyon? “Ako, pinagpi-pray ko na huwag na muna sana. Kasi after ‘Four Sisters and A Wedding’, tuluy-tuloy na siya. Sobrang ganda ng taon ko.

And I’m praying na mas maging maganda ang 2014 ko.” “Actually, it’s not the first time. Gusto ko munang pahalagahan ang sarili ko and wait for that right person.

Mararamdaman ko naman ‘yun kapag nandiyan na siya sa buhay ko, di ba?” chika pa ng dalaga. Sa tanong kung posibleng maging sila ni Papa P? “Posible? Hindi po natin alam ang mangyayari, e.

Pero ayoko pong mag-assume. Kung anuman ang ipinapakita niya sa aking goodness and kindness, ayoko namang mag-feeling!”
Naniniwala rin si Shaina na boyfriend material si Piolo at napi-feel daw niya ‘yun, “Oo, ‘yung isang kabuting tao niya, oo naman, oo naman.”

( Photo credit to Google )

Read more...