Ate Vi hindi aalis sa pwesto, walang kasalanan sa publiko


SIMPLE lang ang naging tugon ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa ipinalabas na news statement ng Comelec hinggil sa pagpapabakante sa kanila sa kanilang mga puwesto dahil sa isyung “failure to submit SOCE” (Statement of Contributions and Expenditures).

Sey ng aming dear idol-friend kumare via text message, “I did comply my SOCE.” May tatak na na-receive pa ng naturang ahensya ang mga dokumentong sinasabi ni ate Vi na nai-file pa niya even before the required deadline.

Na-shock nga raw ang idol-friend natin nang malaman niya na pinaaalis na siya sa pwesto. Tsika nga ni House Speaker Sonny Belmonte, “OA” lang daw ang ginawang pagpapapansin ng Comelec sa mga elected leaders na diumano’y may pagkukulang nga sa dokumento.

Nagtataka lang din kami kapatid na Ervin dahil tila may kung anong script ang mga ahensya ng gobyerno ngayon na nangangalampag ng mga opisyal gaya nina ate Vi, Laguna Gov. ER Ejercito, Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, at iba pang kilalang politiko.

Nauna na riyan ang BIR ni Kim Henares, pati na rin ang Philippine Red Cross na inaakusahan na rin ng corruption na nasa pamamuno ngayon ni Dick Gordon.

Hay, hintayin na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng isyung ito.

( Photo credit to Google )

Read more...