Jonathan Sterling may P7.7M sa mga batang may sakit sa puso

Jonathan Sterling naglaan ng P7.7-M para sa therapy ng mga batang may sakit sa puso

Jan Escosio - July 11, 2026 - 09:55 AM
Jonathan Sterling naglaan ng P7.7-M para sa therapy ng mga batang may sakit sa puso
Isang batang benepisyaryo ang nag-abot ng mensahe ng pasasalamat kay Jonathan M. Sterling para sa kanyang suporta sa Jaden and Friends.

PATULOY ang suporta ng British philanthropist na si Jonathan M. Sterling sa mga batang may congenital heart disease.

Ito ay matapos siyang maglaan ng pondong nagkakahalaga ng P7.776 million para sa Developmental Therapy Support Program ng Jaden and Friends Inc.

Gagamitin ang pondo para sa physical therapy, occupational therapy, speech therapy, developmental assessments, at iba pang rehabilitation services sa Center for Pediatric Development and Rehabilitation ng De Los Santos Medical Center.

Para sa maraming batang isinilang na may sakit sa puso, hindi nagtatapos ang laban sa matagumpay na operasyon.

Kailangan pa nila ng tuloy-tuloy na therapy upang makabawi, mapaunlad ang kanilang kakayahan, at makabalik sa pang-araw-araw na gawain.

Baka Bet Mo: Dyowa ni Celeste Cortesi humirit: I am NOT a millionaire, I’m a billionaire

Sa kanyang pagbisita sa De Los Santos Medical Center, nakilala ni Sterling ang ilang batang naghihintay ng operasyon at ang kanilang mga pamilya.

Karamihan sa mga batang nakasalamuha niya, aniya, ay nasa isa hanggang tatlong taong gulang lamang.

“I really struggled even being there. My heart just broke into a million pieces,” sey ni Sterling matapos ang pagbisita.

Binigyang-diin ni Sterling na ang mga magulang, doktor, nars, at iba pang manggagawang pangkalusugan ang araw-araw na humaharap sa pinakamabigat na bahagi ng laban.

Para sa kanya, ang maiaambag niya ay ang suportang pinansyal upang maisagawa ang mga kinakailangang pagsusuri, operasyon, at therapy.

Jonathan Sterling naglaan ng P7.7-M para sa therapy ng mga batang may sakit sa puso
Mainit na sinalubong ng mga kinatawan ng Jaden and Friends at mga opisyal ng ospital si Jonathan M. Sterling sa kanyang pagbisita.

Sa ilalim ng bagong kasunduan, palalawakin ng Jaden and Friends ang suportang ibinibigay nito sa mga batang nangangailangan ng mas mahabang paggabay pagkatapos ng operasyon — mga serbisyong mahalaga sa galaw, komunikasyon, pagkatuto, at pangkalahatang pag-unlad ng bata.

Ito ang pinakabago sa patuloy na pagtutulungan ni Sterling, ng Jaden and Friends, at ng De Los Santos Medical Center.

Sa mga naunang programa, sinuportahan nila ang mga operasyon sa puso, cardiac screening, at paggamit ng mga kagamitang tumutulong sa mas maagang diagnosis.

Jonathan Sterling naglaan ng P7.7-M para sa therapy ng mga batang may sakit sa puso
Nagtipon ang mga benepisyaryo, magulang, at mga kinatawan ng Jaden and Friends sa programang inihanda para sa pagbisita ni Jonathan M. Sterling.

Nagsimula ang Jaden and Friends sa personal na karanasan ng founder nitong si Janice Lopez.

Matapos ma-diagnose na may congenital heart disease at Down syndrome ang anak niyang si Jaden, naghanap siya ng paraan upang maipagamot ang bata.

Nang magtagumpay ang operasyon ni Jaden, nangako si Lopez na tutulungan din niya ang ibang magulang na dumaraan sa katulad na pagsubok.

Sa paglipas ng mga taon, nakatulong na ang organisasyon sa mahigit 2,000 batang pasyente sa pamamagitan ng medical assistance, referrals, screening missions, at counseling para sa mga pamilya.

Isa sa mga natulungan nito si Loradel Febellon, na naging bahagi rin ng organisasyon matapos maoperahan ang kanyang anak.

“Everything Janice knew, she taught me. After two months, my daughter was able to undergo surgery. After what she did for us, I wanted to help other families too,” kwento ni Febellon.

Ayon kay Sterling, nagsimula ang kanyang suporta sa mga programang pangkalusugan sa puso bilang pag-alala sa ama ng kanyang partner na si Celeste Cortesi, na pumanaw dahil sa sakit sa puso noong 10 taong gulang pa lamang si Cortesi.

Sa paghahanap nila ng organisasyong makatutulong sa mga batang Pilipino, nakilala nila ang Jaden and Friends.

Sinabi ni Alice Margallo ng Jaden and Friends na mahigit 660 bata na ang nasuri sa tulong ng mga echocardiography machine na ipinagkaloob ni Sterling.

Mahalaga ang mga kagamitang ito sa pag-abot sa mga batang nasa malalayong komunidad.

“The donated echo machines allow us to diagnose children in far-flung communities. These are children who otherwise would not have had access to diagnosis and treatment,” wika ni Margallo.

Jonathan Sterling naglaan ng P7.7-M para sa therapy ng mga batang may sakit sa puso
Nakipag-usap si Jonathan M. Sterling kay Dr. Louisa Joan Go habang nakikilala ang ilan sa mga batang sinusuportahan ng Jaden and Friends sa Center for Pediatric Development and Rehabilitation.

Ayon naman kay Dr. Louisa Joan Go ng De Los Santos Medical Center, nakatutulong ang mga ipinagkaloob na kagamitan upang mas mapaghandaan ng medical team ang paggamot sa bawat bata.

“The donated equipment allows us to perform more complicated procedures and better plan each child’s treatment,” paliwanag ni Go.

Isa sa bawat 100 sanggol, dagdag ni Go, ang ipinapanganak na may congenital heart disease, kaya mahalaga ang maagap na pagsusuri upang matukoy ang kondisyon bago pa magkaroon ng komplikasyon.

Hinikayat din niya ang mga magulang na huwag mawalan ng loob at patuloy na ipaglaban ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

“Find the courage to fight for your children because nobody will help your children better than you,” mensahe ni Go sa mga magulang.

Jonathan Sterling naglaan ng P7.7-M para sa therapy ng mga batang may sakit sa puso
Kasama ni Jonathan M. Sterling ang mga pediatric cardiologist at iba pang miyembro ng medical team ng De Los Santos Medical Center.
Jonathan Sterling naglaan ng P7.7-M para sa therapy ng mga batang may sakit sa puso
Nagtipon sina Jonathan M. Sterling, mga kinatawan ng Jaden and Friends, at mga doktor ng De Los Santos Medical Center matapos ang pagbisita.

Sa pamamagitan ng bagong pondo, layunin ng Jaden and Friends na ipagpatuloy ang pangangalaga lampas sa operasyon — mula sa diagnosis at gamutan hanggang sa rehabilitasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga batang benepisyaryo at kanilang mga pamilya, ang bawat therapy session ay isang hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending