HOROSCOPE, DECEMBER 14, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, DECEMBER 14, 2013

Madam Sophia - December 14, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:   Ang nararamdaman sakit ay lilipas din, kaya lang ang sakit ng bulsa ay mananatili ngunit kapag natanggap na ang 13th month pay, gagaling na rin yan. Ngayon palang isaisip na hindi dapat ubusin ang pera para sa magarbong handaan sa pasko. Mapalad ang 3, 18, 24, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Mantel.” Red at lilac ang buenas.   
Aries – (Marso 21-April 19)— Tama ang iyong ginagawa, hindi ka dapat mang-api at hindi karin dapat apihin. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katuwiran – ipaglaban mo! Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at magkakaroon ng mapayapang isipan. Mapalad ang 3, 15, 18, 23, 27, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Sa sariling diskarte ka uunlad! Magsimula ka ng magsikap ngayon upang yumaman. Sa pag-ibig, wag umasa sa kasuyong tatamad-tamad, ikaw ang dapat gumawa ng aksyon. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Purana-Manu-Diayana-Om.” Gray at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Tuloy-tuloy na gaganda ang kapalaran, basta’t lagi ka lang mag-madali. Sa pag-ibig at pinansyal, basta’t minadali mo ang nasabing mga bagay, magiging masaya ang relasyon habang patuloy ang pagdating ng maraming salapi. Mapalad ang 5, 14, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Iwasan ang labis na pagtulong sa kaibigan. Dahil sa bandang huli kung sino pa ang pinapautang mo sila pa ang maninira sayo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pagkatiwalaan – ang kasuyo Virgo. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Blue at red ang bueans.
Leo – (July 23 – August 22)—“Apoy” ang iyong elemento. Sa darating na Simbang Gabi, magluto ng bibingka, puto bubong at iba pang pagkaing pampasko. Iyan ang click mong negosyo! Sa pag-ibig, gawing taga-tikim ang kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 12, 15, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Sa panahong ito ng kapaskuhan kailangan gamitin ang isip sa halip na puso. Sa pinansyal, magtipid at magpakatuso upang wag agad maubos ang pera. Sa pag-ibig, wag magpa-impluwensiya sa maluhong pamumuhay ng kasuyo. Tandaang higit na mahalaga ang pera kaysa sa pag-ibig. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at magenta ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, palaguin ang salapi sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Sa pag-ibig at salapi mapalad ka sa mga taong may birth date na 5, 14, 23, 6, 15, 24, 9, 18, at 27. Mapalad ang 5, 9, 18, 23, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Babanam-Kebalam.” Purple at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Panahon na upang paunlarin ang kabuhayan, hindi ka dapat maging emosyonal. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang Capricorn. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Simulan ang susunod na taong 2014 sa pagtitipid. ‘Wag ubusin kaagad-agad ang pera, mag-savings upang may madukot sa sandali ng kagipitan. Sa pag-ibig, paglaanan  ng pera ang pakikipag-date ngayong pasko sa kasuyong Gemini. Mapalad ang 4, 10,  14, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Brown at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pagtitiyaga mas madaling makakamit ang tagumpay. Sa pinansiyal, tularan ang langgam sinop-sinop lang ang pormula upang yumaman. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa  mauuto mo na rin ang iyong kasuyo. Mapalad ang 9, 18, 23, 27, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Om.” Beige at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Ipapahamak ka lang nila. Sa mga mababait at walang kibo ka makipag-transaksyon upang hindi ka ma-racket. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na tahimik at mahusay magdala ng damit. Mapalad ang 4, 10, 27, 38, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.”  Violet at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sundin ang mungkahi ng kasuyo. Hindi ka dapat na maging magastos. Wag tularan ang mga kapit bahay na mayayabang. Sa simpleng pamumuhay mas madali kayong yayaman. Mapalad ang 2, 16, 20, 32, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Green at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending