Shaina takot madamay sa Anne-John Lloyd scandal


Natatakot magkomento si Shaina Magdayao tungkol sa pananampal ni Anne Curtis sa ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz. Sa presscon ng Star Cinema and Regal Films entry sa MMFF 2013 na “Papag: Siyam Na Buhay” kung saan isa si Shaina sa mga bida, tumanggi siyang magbigay ng opinyon.

“Naku, hindi po ako kasama diyan! I really think wala akong karapatan na magsalita ng kahit ano about it. Pero, hindi naman tayo magmamaang-maangan. Narinig naman natin kung ano talaga.

“But I don’t want to say anything, kasi hindi ko alam ang totoong nangyari. I wasn’t there. Ang hirap kasing magsalita dahil wala ka din in the first place. I choose not to say anything, di ba?”

Ano ang na-feel niya nang malaman niyang sinampal ni Anne ang ex-BF niya? “Actually, hindi lang naman sa kanya, lahat ng involved, kapag may mga ganitong lumalabas sa mga kapwa-artista ko, siyempre I feel bad, di ba?”

( Photo credit to Google )

Read more...