Jasmine Curtis seryoso na ang relasyon kay Sam Concepcion


Nag-renew muli si Jasmine Curtis Smith ng tatlong taong kontrata sa TV5 at aminadong masaya siya sa Kapatid network kaya hindi na siya umalis pa.

Nabalitang lilipat sa ibang network ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis pagkatapos ng kontrata niya sa Singko. Ayon kay Jasmine, “Other networks were interested and wanted to talk to me but, as obviously as it looks, I’m with TV5.

“They’re the ones who showed the most interest talaga and ‘yun na nga, sabi ko nga, ang tagal kong nawala pag bumabalik naman ako, saglit lang and it’s time na bumawi naman ako.

“My manager and I heard both other networks (offer) but as I said, TV5 showed the most loved and care talaga, I remained with TV5,” kuwento ng dalaga.

Itinanggi ni Jasmine na malaki ang talent fee or bonggang offer ang dahilan kaya siya muling pumirma sa TV5, “I guess, I would have to say that I felt the contentment with TV5 na I know I’m gonna be good here.

And why I leave kung maganda naman ‘yung biyahe ko sa TV5.” Samantala, nagulat ang dalaga ng sabihan siyang highly acclaimed actress ng TV5 dahil malaki na ang improvement nito lalo’t ang pelikula niyang “Transit”, ang entry ng Pilipinas sa darating na Oscars.

“Nagulat ako, hindi ko alam talaga and I’m thankful that they recognized my hard-earned skill na ‘yun na nga, nag-improve na ako sa acting ko, I’ve learned to be more aggressive sa trabaho kaya now, they’re giving me that title na highly acclaimed actress, fulfilling,”  sabi ng dalaga.

Kaya naman natanong si Jasmin kung ano ang reaksyon niya na mas magaling daw siyang umarte kaysa sa ate Anne niya, “Well, people had their own opinion and it took ate so long to get where she is now and to have these skills that she has now.

“Ang advantage ko, si ate is there to guide me, marami akong nakatrabaho na nasa top na tinulungan talaga ako, pero nu’ng siya, 19 palang, she didn’t have that advantages kaya magkaiba talaga kami ng journey ni ate in terms of our career.

“So, I wouldn’t say na mas magaling ako kay ate because I still need to keep on workshop, learning from other actors who have been in the industry longer than I. But if they say that, thank you,” sabi ni Jasmine.

Natanong din siya kung paano niya sinuportahan ang ate Anne niya sa isyung kinasangkutan nito kamakailan lang, “I was there with her at home.  Of course, we watched her favorite movie at home, simple lang.  Simple makes her happy.

“Of course it affected her deeply dahil alam naman natin, active siya sa social media, for a while, she’s been quiet kasi ayaw na niyang palakihin ang isyu,” kuwento ng dalaga.

Dahil sa nangyari kay Anne ay natanong si Jasmine kung naging conscious na rin ba siya sa ginagawa niya kapag nasa public place siya, “No, I’ve always been that way naman, I know how to go about things na hindi naman kasi porket celebrity kailangan you behave in a certain way, but you have to know your limits din naman, of course.

“Lesson learned for everyone, not  just for my ate, for all the people who are involved and for all the people hearing about it na we are also human,” katwiran ng dalaga.

Isang teleserye, pelikula at hosting job ang ilan lang sa pangakong gagawin ni Jasmine sa TV5 bilang parte sa tatlong taong kontrata niya.

Hindi raw kasama ang show niya ngayong SpinNation sa bagong kontrata, “The SpinNation actually was part of the last contract na we just extended for that show para it’s a clean start with this new contract.”

Masaya ang dalaga dahil maganda ang feedback sa kasalukuyang programa niyang SpinNation dahil nagte-trending daw at masaya ang TV5 management sa kanya kaya maski raw oras ng tulog na niya ang alas-onse ng gabi ay kailangan mataas ang energy niya.

Ano naman ang real status nila ngayon ni San Concepcion? “Basta what you see is what you get,” masayang sabi ng inspirasyon ni Sam.

Botong-boto naman ang manager ni Jasmine na si Betchay Vidanes kay Sam dahil magkasundo raw ang dalawa. “Wala akong nakikitang nakakaistorbo sila sa isa’t isa, okay sila, nagtutulungan sila, sabay silang nagdyi-gym kapag may oras, sinusundo ni Sam si Jas, maalaga, so walang dahilan para hindi ko siya magustuhan,” paliwanag ni Betchay.

( Photo credit to Google )

Read more...