Malas sa pag-ibig | Bandera

Malas sa pag-ibig

Joseph Greenfield - December 13, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay R.E., ng Bacuag,
Surigao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Single-mother ang tawag sa akin ngayon, na noong panahon ng aking lola ay disgrasyada.  Pero nag-aral pa rin ako at ang aking pag-aaral ay bahagi ng aking pagbangon mula sa aking kagagahan sa lalaki.  Dahil sa aking mga magulang ay nakatapos ako. Sa susunod na taon ay balak kong kumuha ng licensure exam. Nais kong malaman kung susuwertehin ba ako at makakapasa sa mahirap na pagsusulit.  Sa pag-ibig, gusto ko ring malaman kung may magandang love life pa kaya akong mararansan sa kabila ng pagiging dalagang-ina. October 19, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
R.E., ng Bacuag, Surigao del Norte
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Malinaw ang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa susunod na taon ay madaling-madali lang sa career mo at sa iyong kapalaran na makapasa sa board exam. Ito ay dahil nakatakda na sa iyong palad ang maging ganap na propesyonal.
Cartomancy:
Bagaman suwerte sa career ay maaari namang sa pag-ibig ay malasin ka ulit, ang nais sabihin ng barahang Three of Spades. Ngunit ang barahang Four of Heart ang nagsasabing sa ikaapat na pag-ibig ay may itatalang tagumpay at panghabambuhay na kaligayahan.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending