HELLO Doctor Heal. Ask ko lang po kung bakit palagi na lang akong nahihilo kapag sobrang init? Ano po ba ang tawag doon? Ako nga pala si Gretchen, 18, ng Bacolod City, …8488
Magandang araw sa iyo, Gretchen. Natural lang na reaksyon ‘yun kapag hindi sanay ang iyong katawan sa init. Stressful sa katawan ang sobrang init na environment, automatic response ‘yan. Pero para mabawasan ang stress na iyan kapag sobrang init, ugaliin na magsuot ng mga preskong damit. Huwag ding maglakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw, makakabuting gumamit ng payong. Magdala rin palagi ng pamaypay at panyo para sa iyong pawis. Higit sa lahat, makabubuting may baon ka palaging tubig dahil nakakapawi iyan ng init at makakaiwas ka pa sa dehydration.
Dr. Heal, ano po ba ang gamot sa acne marks? Halos buong katawan ko ay meron at lagi na lang may tumutubo. Ano pong gamot ang maaari kong inumin upang maalis ang mga ito. — Carlo Malabanan, 22, Laguna, …3982
Dr. Heal, gusto ko po na palaging maputi ang mukha ko kaya gumagamit ako ng facial cream. Pero marami po akong blackheads at pimples. Ano po ba ang pwede kong ilagay sa mukha ko para mawala blackheads at pimples. Salamat po. –Paul Palma, 16, Piapi Blvd., Davao City, …2732
Salamat sa inyong text Carlo at Paul. Dahil halos parehas kayo ng problema, eto ang payong maibibigay ko sa inyo: umpisahan ninyo sa maayos na pagkain. Iwasan ang mga fatty foods o ang mga matatabang pagkain at uminom palagi ng maraming tubig. Gawing sapat ang iyong pahinga at tulog. Matutong harapin ang mga hamon sa buhay, na madalas ay stressful sa inyo. Uminom ng Dalacin C 300 mg. daily for 1 month. Panatiliin ding malinis ang katawan.
vvv
Magandang araw, Doc. Ask ko lang po kung ano ang gamot na pamparegla kasi more than one year na po akong walang regla? — Raine, 32, Roxas, Capiz, ….5629
Malamang hindi ka naman buntis dahil kung hindi ay nanganak ka na. Irregular cycle ‘yan. Hindi ka ba anemic? Magpakuha ka ng CBC at pelvic ultrasound. Maigi na magpatingin din sa gynecologist.
Dr. Heal, paano po ba magpapayat? Wala po bang gamot na pwedeng pampapayat? — Rodoldo Egina, 27, Iloilo City, ….2538
Hindi epektibo ang mga gamot sa pangmatagalang pagpapapayat. Kailangang mayroon kang disiplina sa pagkain. Lahat nang ipinapasok mo sa bibig na pagkain, maliban sa tubig, ay mayroong calories. Samahan din ito ng ehersisyo.
Ano po ang epekto ng hindi regular na nagkakaregla? Mataba po kasi ako. May chance po ba akong magkaroon ng baby? — Rosalyn, 27, Cavite, ….9877
Magkaka-baby ka kapag nanumbalik sa normal ang weight mo. Magbawas ka ng timbang sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkain. Kailangan din ng tamang ehersisyo at disiplina sa pagkain.