Johnny Manahan nagbabalik na sa programang 'Vibe'

Johnny Manahan nagbabalik na sa programang ‘Vibe’

Reggee Bonoan - June 03, 2026 - 07:21 PM
Johnny Manahan nagbabalik na sa programang 'Vibe'

SI Mr. M o Johnny Manahan na ulit ang direktor ng programang “Vibe” next week.

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon,  June 2 tungkol sa pagkakatanggal sa kanya bilang direktor ng programang “Vibe” na umeere sa TV5 na nagtataka ang aming kausap kung bakit lumabas ito.

Nasulat naming natanggap ni Mr. M na hindi na siya direktor  ng nasabing programa sa pamamagitan ng text messages mula sa staff ng “Vibe” na wala siyang kontrata at malaki ang talent fee.

Ang tsika sa amin ay usaping teknikal ito dahil  hanggang May 31 ang kontrata niya bilang direktor ng “Vibe”, pero natanggap niya ang text message ay Sabado, May 30 kaya nagulat ang hepe ng Star Worx bakit siya tinanggal at idinahilan daw ay mataas ang TF nito.

Baka Bet Mo: Johnny Manahan ipinakilala 16 new artists sa ilalim ng Star Worx

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kaya na-technical ang Vibe rito o sinuman ‘yung nag-text, kasi inunahan na niya?  Tapos hindi man lang kinausap ng personal?  Di bap ag ganyan kinakausap ng personal, Mr. M ‘yan, eh.  Nasaan ang respeto?” sabi nang isa pang kausap naming taga-TV5.

Nagkaroon daw ng kaguluhan among staff particularly sa in-charge ng programa dahil hindi na-handle ng maayos ang isyu na bakit kinailangang lumabas pa ang mga gsnitong gusot.

Sinabayan pa ng ilang messages na nag-resign na staff ng “Vibe” na kung gusto raw naming malaman ang lahat ng totoo ay sila ang kapanayamin namin.

“Magulo ang show, ‘yung boss ng Vibe, naninigaw ng staff niya instead na kausapin ng personal para hindi naman mapahiya ‘yung tao kasi naririnig ng iba kaya maraming umaalis,”paliwanag pa sa amin ng iba pa naming kausap.

Nakadagdag pa ‘yung problema sa food supplier na hindi rin naasikaso ang bayad kaya umabot na sa P400,000 plus ang utang.  Tinabla nan ga ng supplier ‘yung request ulit ng mga taga-Vibe, “Magbayad muna sila bago ulit umorder, hindi naman kami (nagbanggit ng fastfood) para mahaba ang pisi, isang taon palang kami sa negosyong ito.”

Samantala, may narinig kaming tsika na mawawala na raw ‘yung boss ng “Vibe” dahil sa kaguluhang ito?  Hindi naman kinumpirma ng aming kausap ang tungkol dito.

Kung sakaling totoo ito, ibig sabihin mapupunta na sa TV5 ang pagmamahala ng nasabing programa at hindi na ito sa pamumuno ng MediaQuest?

Namumukod tanging ang “Vibe” lang daw ang hindi ibinigay sa TV5 dahil ayaw pumayag ng nasabing bossing ng programa.

Anyway, ang daming sumaya raw nang malamang babalik na si Mr. M bilang direktor ng “Vibe”.

E, malamang marami talagang sasaya lalo na ‘yung Star Worx artists dahil tiyak na mabibigyan sila ng magandang exposures ng tatay-tatayan nila.

Binanggit sa amin ang hosts ng program ana sa totoo lang hindi namin sila kilalang lahat dahil mga baguhan pero ang tsika sa amin, “’mga baguhan pero ang lalaki ng talent fees? Hindi nga mga kilala.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hmm, para sumikat sila, dapat isali sila sa pagbubukas ng “Pinoy Big Brother” kung babalik pa para mapansin dahil ganito ang nangyari sa Sparkle artists, biglang umingay mga pangalan nang mapanood sila sa Bahay ni Kuya.

Samantala, bukas naman ang BANDERA para sa pahayag o paglilinaw ng kampo ng mga taga-“Vibe” hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending