Ogie Diaz hindi inimbento hanash kay Bela Padilla, dumepensa sa bashers
PINABULAANAN ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang mga kumakalat na chikang gawa-gawa lang niya ang mga kuwento patungkol sa pagiging ma-attitude umano ng aktres na si Bela Padilla.
Sa nagdaang episode ng “Showbiz Update”, tahasan siyang nagbigay ng mensahe para sa mga taong tumitira sa kanila sa comment section at nagsasabing bunot na bunot nila ang aktres na para bang galit na galit sila.
Saad ni Ogie, “Huy! Hindi ako galit, ha. Siyempre nagbabalita lang tayo rito. Tapos kapg kung anek-anek lang balita natn dito, tinitira nila tayo tapos kapag may scoop tayo tinitira rin tayo ng faney. Saan namin ilulugar ang sarili namin?
“‘Yung kay Bela Padilla na [ni-report] natin dati, hindi naman kami nag-iimbento,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz may patutsada kay Rodante Marcoleta: Takot ‘yan
View this post on Instagram
Giit ni Ogie, kaya nga raw bukas ang kanilang kampo sa pahayag o paglilinaw ni Bela hinggil sa mga nakarating sa kanila.
Matatandaang nauna na nilang naiulat na tila nagiging sakit ng ulo na ang aktres sa set ng ABS-CBN action-drama series na “Blood vs Duty”.
May nakarating rin kay Ogie na chika na tila may hindi pagkakunawaan sa pagitan nina Bela at Baron na tinawag umano ng una na “retarded”.
“Kaya nga sabi ko namin dito kung mayroong gustong sabihin si Bela, bukas naman ang ‘Ogie Diaz Showbiz Updates.’ Or puwede naming pick-up-in kung siya man ay magpo-post,” lahad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Do’n po sa mga nagko-comment dito sa baba ng aming YouTube channel e normal na lang ‘yan sa amin na tinitira kami.”
Samantala, wala pa namang tugon o reaksyon si Bela kaugnay sa mga pahayag na ito ni Ogie laban sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
