Bongbong Marcos tinalakan mga hindi pumapasok na senador

Bongbong Marcos tinalakan mga ‘di pumapasok na senador: Get back to work!

Therese Arceo - June 03, 2026 - 04:03 PM
Bongbong Marcos tinalakan mga 'di pumapasok na senador: Get back to work!

UMAPELA si Pangulong Bongbong Marcos sa mga majority bloc na pumasok na at dumalo sa kanilang sesyon sa Senado upang gampanan ang kanilang tungkulin at trabaho.

Sa inilabas na pahayag ng pangulo niyong Miyerkules, June 3, inutusan niya ang mga senador na magtrabaho na dahil narami pa silang dapat pagtuunan ng pansin na pangangailangan ng taumbayan.

“Get back to work! Get back to work because ang dami nating kailangang gawin,” saad ni Pangulong Marcos.

Aniya, maraming kailangang gawing batas  lalo na at may mga kinakaharap na krisis ang bansa.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos nanawagan ng malasakit, pagkakaisa ngayong Eid’l Fitr

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy ni Marcos, “We had a meeting sa UPLIFT Committee and maraming tayong kailangang ipagawa na mga batas. Baka magka-supplemental budget, baka ma-amyendahan namin ang ibang mga batas.

“Ito ay kailangan para makapagbigay tayo ng tulong sa taumbayan dahil nga sa oil crisis.”

Giit ni Marcos, alam niya ang mga ruling at bago majansela ang isang sesyon ay dapat may mahalagabg rason dahil minsan rin siyang naging mambabatas bago siya naging presidente ng bansa.

“Nag-congressman, nag-senator din ako. Ang rules diyan, bago ka mag-cancel ng session, you have to inform the other House three days before you cancel a session. And there has to be a very good reason for canceling a session.

“I don’t think na ihahatid mo ang senador para pumunta kung saan siya pupunta. Hindi yata sapat na dahilan ‘yan para i-cancel ang isang session,” lahad ni Marcos.

Hindi rin niya lubos maisip kung paano nakakapagtrabaho ang mga senador lalo na sa sitwasyon ngayon sa Senado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Isang session lang ‘yan, ngayon, kanselado na naman ang isang session. Hindi ko nga maintindihan kung papaano sila magtatrabaho kung ganito,” sabi pa ni Marcos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending