Megan Young tagumpay ang ‘balik-alindog’ after manganak: Worth it!
HINDI naging madali para sa Kapuso actress at beauty queen na si Megan Young ang naging fitness journey niya pagkatapos manganak.
Dokumentado ang ginawang “balik-alindog” session ni Miss World 2013 kabilang na ang naging struggles niya sa pagbabalik-workout after isilang ang panganay nila ni Mikael Daez.
Ibinandera ni Megan ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan mula nang magsimula siyang magpapayat sa pamamagitan ng isang video.
Sa Instagram, ipinakita nga ng Kapuso actress at first-time mom ang kanyang body isang buwan after manganak, at ang katawan niya makalipas ang isang taon.
Sey ni Megan, agad niyang sinimulan ang fitness journey nang bigyan siya ng go signal ng kanyang OB-GYN.
“Months one to four, I was doing light walking, eventually lifting weights again, but still wasn’t at the point that I wanted to be,” simulang pagbabahagi ng beauty queen.
Pag-amin ng aktres, nanatili siyang 25 pounds na mas mabigat kumpara sa weight niya bago magbuntis. Halos 50 pounds ang nadagdag sa kanyang timbang habang nagdadalang-tao.
Natigil daw ang kanyang pagpapapayat nang tamaan siya ng dengue sa ikalimang buwan ng pagwo-workout.
View this post on Instagram
At nang gumaling na siya, mula ras sa ikaanim hanggang ikasiyam na buwan, nakakapagbuhat na raw siya ng mas mabibigat with the assistance of her fitness coach.
Sa ika-10 buwan naman, sabay na silang nagwo-workout ni Mikael sa tulong pa rin ng isa pang coach na nakatutok talaga sa kanilang fitness routine.
“We’ve been working hard for the past two month Workout kahit nakabakasyon, tracking my food intake every single day. It has been so worth it,” ang kuwento pa ni Megan.
Pagpapatuloy pa niya, “I love getting stronger for myself so that I can be stronger for my family.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
