Ashley Diaz, anak ni Joko, natakot nang bongga kay Eula Valdez

Ashley Diaz, anak ni Joko, natakot nang bongga kay Eula Valdez…anyare!?

Ervin Santiago - June 03, 2026 - 12:25 AM
Ashley Diaz natakot nang bongga kay Eula Valdez nang magsama sa 'The Mentor' 
Eula Valdez, Ashley Diaz at Bobby Bonifacio, Jr.

INATAKE ng matinding takot at kaba ang showbiz royalty na si Ashley Diaz nang makatrabaho for the first time ang award-winning actress na si Eula Valdez.

Magkasama ang dalawa sa pinakabagong micro-drama o vertical series na “The Mentor” na napapanood na ngayon sa Viva Movie Box (VMB).

Nakachikahan ng BANDERA si Ashley, anak ng veteran action star na si Joko Diaz, sa mediacon ng “The Mentor” at dito nga niya inamin na talagang na-starstruck siya kay Eula.

“Nu’ng first scene, talagang kinakabahan ako, natakot talaga ako. Kahit sa pictorial namin, hindi ako makatingin sa mata niya, talagang natatakot ako,” pag-amin ni Ashley.

Pero after daw kunan ang ilang eksena nila ni Eula, napanatag na siya at mas lalo pa niyang hinangaan ang premyadong aktres dahil bukod daw sa napakagaling nito ay mabait at very supportive pa sa kanyang co-actors.

Marami silang mabibigat na eksena sa “The Mentor” kabilang na ang intense confrontation scenes with matching sampalan at sabunutan.

View this post on Instagram

A post shared by priscilla ashley¨ ⋆.ೃ࿔*:・ (@_ashleydiaz)

Kuwento ng dalaga, may isang eksena raw sila na kailangan siyang sampalin ni Eula pero ayaw daw nitong totohanin ang eksena.

“Du’n sa mga eksenang kailangan niya akong saktan sabi ko sa kanya, ‘sige lang po, Ms. Eula, sampalin n’yo ako, okay lang.’ Pero ayaw niya talaga, hindi raw niya tinototoo ang pagsampal. Sobrang nice ni Ms. Eula,” sey pa ni Ashley.

Isang makapangyarihang may-ari ng kumpanya ang magbibigay ng pangalawang pagkakataon sa isang dating bilanggo, ngunit maaaring may nakaabang na kamatayan. 

Si Eula Valdez ay gumaganap bilang Portia, at si Ashley Diaz ay gumaganap bilang Krissy sa micro-drama series na “The Mentor.”

Kilala at kinatatakutan si Portia sa pagiging no-nonsense boss, kaya’t nagtataka ang lahat nang kunin niya si Krissy kahit na kasalukuyang walang job opening sa kanilang kumpanya. 

Si Krissy mismo ay nagulat dito dahil tahasang itinuro ni Portia sa kanyang panayam na alam niyang sinampahan ng kasong murder si Krissy.  

Gayunpaman, ipinangako ni Portia na wala siyang sasabihan tungkol dito. Nang ipakilala ni Portia si Krissy sa lahat, sinabi niyang lubos siyang naniniwala sa potensyal ni Krissy. Pagkatapos, si Portia pa mismo ang tumayong mentor nito.  

Ayon kay Portia, naaalala niya ang kanyang anak sa katauhan ni Krissy.   

Napakalaking break nga ng ibinibigay ni Portia kay Krissy. Totoo nga kaya ang kabaitan na ipinapakita nito? Paano kung may balak siyang masama sa dalagang gusto lamang magbagong buhay?  

Sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr., ang The Mentor ay hati-hating mapapanood sa loob ng 60 hanggang 120 minuto. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapana-panabik ang bawat episode, at maaasahang magbibigay ng napakahusay na pagganap ang multi-awarded na si Eula Valdez at ang new gen artist ng Viva na si Ashley Diaz.  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending