Chito Miranda nanginig, inatake nang makaharap si Lea

CHITO MIRANDA AT LEA SALONGA

It was quite surprising to learn na meron palang coy side itong si Chito Miranda.

Kasama si Chito sa recording ng isang kanta para sa Yolanda survivors. Star-studded ang session dahil kasama rito ang who’s who sa music industry tulad nina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Gloc 9, Ebe Dancel, Jett Pangan, Noel Cabangon, Rachel Alejandro, Kuh Ledesma and The Company.

Tila nalula si Chito sa line-up ng singers that in his Twitter account ay nasabi niya ito, “Bigat neto…yari…ano ginagawa ko dito??? Nanliit na ako bigla.”

But there’s one whom Chito got very excited about – the presence of Ms. Lea Salonga. Hindi nahiya ang Parokya ni Edgar frontman na amining nanginig siya when Lea approved his request for a photo with her.

“Ang highlight ng gabi ko, dumating si @MsLeaSalonga 🙂 muntik ko na mabitawan phone ko habang nagpapa-picture sa lakas ng nginig ko.

“Ganun pala pakiramdam nun. Yung nag-ask ka kung pwede ka magpa-picture tapos sa nginig mo, di mo ma-enter yung passcode ng phone mo sa panic. d lang halata pero nanginginig ako. Ayaw gumana ng mga daliri ko sa sobrang panic,” sabi niya sa Twitter.

“Di ako nakapag-papicture kasi napapraktis na kami nung dumating sya tapos recording agad. tapos nung natapos sya, ako di pa,” esplika pa niya.

Read more...