Robin bugbog-sarado sa bashers dahil sa 'force majeure'

Robin bugbog-sarado sa bashers dahil sa ‘force majeure’: Shut up na lang! 

Ervin Santiago - May 28, 2026 - 10:36 AM
Robin bugbog-sarado sa bashers dahil sa 'force majeure': Shut up na lang! 

BARAG na barag si Sen. Robin Padilla sa mga netizens dahil sa naging paliwanag niya patungkol sa usapin ng “force majeure.”

Kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ng action star at politiko matapos isapubliko ang kanyang argumento hinggil sa tunay na kahulugan ng “force majeure.”

Sa kanyang Facebook account, mababasa ang post ni Padilla na nagsasabing, “War/gera/digmaan sa Gitnang Silangan na nagreresulta na ng terorismo sa iba’t ibang parte ng mundo, Ang napipintong pagkadawit ng Pilipinas sa China-Taiwan conflict. Hindi po ba ito force majeure?”

Wala mang binanggit na pangalan, naniniwala ang madlang pipol na ito ang sagot niya sa pahayag ni Sen. Risa Hontiveros tungkol sa isyu kay Sen. Bato dela Rosa.

Baka Bet Mo: Robin Padilla kakasuhan ng ‘obstruction of justice’ sa pagtakas ni Bato  

Pinanindigan ni Hontiveros ang kanyang punto kung bakit hindi maaaring ikumpara ang isinusulong na videoconferencing ng Senate majority sa nangyari noong 2021 kung saan pinayagan ang pagsali sa sesyon at committee hearings ni dating Senator Leila de Lima.

Ang post ni Hontiveros sa Facebook, “Hindi pwedeng ikumpara itong ‘videoconferencing’ push ng Senate majority ngayon sa panawagan noong 2021 para payagan ang pagsali sa sesyon at committee hearings ni noo’y Senator De Lima.

“Una, COVID pandemic noon at ang Senado, gaya ng ibang institusyon, ay naka video-conferencing. The Senate Rules only allow videoconferencing due to force majeure or occurrence of national emergency. Wala namang pandemic ngayon.

“Pangalawa at mas importante, si Senator Leila noon ay sumuko, na-detain at rumespeto sa proseso ng batas.

“Then and now, there should be respect for legal authority. The Senate should not pave the way for a member to continue to vote, influence policies and receive institutional benefits of office – despite refusing to submit to lawful arrest or judicial authority.

“To whom much power is given, much responsibility is expected. Kaming mga senador ay dapat pumasok, humarap sa publiko at magtrabaho,” sabi ng senadora.

Sumiklab ang tensiyon sa plenary session sa Senado nitong Martes, May 26, dahil sa kagustuhan ng Senate majority na pag-amyenda sa Senate rules hinggil sa video conferencing para makadalo sa mga sesyon ang nagtatago ngayong si Bato.

Napilitang mag-walk out ang mga miyembro ng Senate minority dahil dito kung saan kasana si Hontiveros habang nasa majority naman si Robin.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens.

“Lumilikha ka ng kasamang pangitain para lang ma-justify Ang pinipilit ninyong rules. Ganyan na ba kababa Ang kaisipan ng Isang Senador ngaun? Tingin mo ba Hindi nag-iisip at nagmamatyag Ang Taumbayan sa lahat ng mga pinagsasabi at pinaggagawa ninyo dyan sa Senado? Nakakahiya na kayo!”

“Ang force majeure ay isang legal na konsepto para sa mga hindi inaasahan (unforeseen) at hindi maiiwasang (unavoidable) pangyayari na nagaganap na. Hindi po ito pwedeng ilapat sa mga sitwasyong ‘napipinto’ o posible pa lang mangyari sa hinaharap. Ang banta ng tensyon sa China at Taiwan ay itinuturing na geopolitical risk na nangangailangan ng diplomasya, at hindi legal na basehan para sa force majeure. Malaki po ang pagkakaiba ng dalawa.”

“The loudest cans are often empty.”

“Matibay na example si Robin sa kasabihang: ‘Better to keep your mouth shut and be thought of a fool, than open it and remove all doubt.'”

“Force majeure? then why amend the Senate rule? The rule already clearly states that video conferencing and remote participation are generally prohibited unless physical attendance becomes impossible due to a declared national emergency or force majeure.”

“Your thoughts wander like a map without a compass—moving, yet never arriving.”

“Wisdom has been chasing you, but you have always been faster.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, may mga nagtanggol at um-agree naman sa mga punto ni Sen. Robin na nagsabing pinag-aralan din daw nitong mabuti ang kanyang ipinaglalaban.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending