May lalaki pa

May lalaki pa Sulat mula kay O.D.,  ng Montevista,
Compostela Valley
Dear Sir Greenfield,
Isang taon na akong walang boyfriend at papalapit na naman ang pinakamahalagang araw ng taon sa akin, wala na naman akong kausap at kayakap.  Nagka-boyfriend din naman ako.  Magaling ang una kong boyfriend—magaling mambola at magsinungaling.  Nabisto ko siya pero hindi ko muna pinahalata hanggang sa blangkuhin ko na siya at di na siya nakakibo. Agad na pinutol ko ang aming relasyon.  Puwede mo bang sabihin kung kailan darating ang lalaking tapat at totoo sa akin?  Ayoko ko nang lumuha.
Umaasa,
O.D., ng Montevista, Compostela Valley
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na sa malapit na hinaharap, maaari isa o dalawang buwan lang ang lilipas, sigurado ang magaganap—bigla kang magkaka-boyfriend.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Two of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagpasok na pagpasok ng ikatlong linggo, isang lalaking nagtataglay ng initial na A.B. ang magiging boyfriend mo.

_______________

Sagot sa sulat ni  O.D.,  ng Montevista,  Compostela Valley
Problema:
1.     Isang taon na akong walang boyfriend at papalapit na naman ang pinakamahalagang araw ng taon sa akin, wala na naman akong kausap at kayakap.  Nagka-boyfriend din naman ako.  Magaling ang unang boyfriend.  Magaling mambola at magsinungaling.
2. Nabisto ko siya pero hindi ko muna pinahalata, hanggang sa blangkahin ko na siya at di na siya nakakibo.
Agad na pinutol ko ang aming relasyon.  Puwede mo bang sabihin kung kailan darating ang lalaking tapat at totoo sa akin?  Ayoko ko nang lumuha.
Umaasa,
O.D., ng Montevista, Compostela Valley
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo  (Illustration 2.) ay nagsasabing susuwertehin ka, na magka-boyfriend ng isang lalaking Aries at ito ay nakatakdang maganap sa ikatlong linggo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing, isang lalaking isinilang sa petsang 3, 12, 21, o kaya’y 30 ang magiging boyfriend mo. At dahil compatible ang birth date mong 6 at birthdate niyang 3, 12, 21 o kaya’y 30, magiging sweet at romantic ang relasyon ninyo.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang nasabing pag-aanalisa ng iyong kapalaran, pagpasok na pagpasok ng ikatlong linggo, magsuot ka agad ng kulay violet, asul o kaya’y pula, puwede rin ang pink. Sa ganyang kulay ng damit, sigurado na ang magaganap – magka-boyfriend ka ngayong papalapit na ang mahalagang araw mo, at ang nasabing relasyon ay magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
O.D., ayon sa iyong kapalaran, matutupad na rin sa wakas ang malaon mong wish, sa pagsapit ng mahalagang araw, darating isang lalaking may initial na A.B. ang magiging boyfriend mo, at ang lalaki na ring ito ang magpapaligaya sa iyo.

Read more...