‘Libingan’ di pwede kay Marcos – Noynoy

HINDI bibigyan ng state funeral o anumang uri ng state honor ang napatalsik na diktador na si Ferdinand Marcos sa ilalim ng administrasyon Aquino.

Ito ang mariing sinabi kanina ni Pangulong Aquino sa harap ng mga miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines.

Ayon sa pangulo kailangan munang bigyan ng kompensasyon at apology ang mga biktima ng martial law bago mapahintulutang bigyan ng state honors ang dating pangulo.

“It will be the height of injustice to render any state honors to the direct mastermind of all their suffering,” ayon kay Aquino. “I will not be sanctioning a burial for the late President Marcos.”

Una nang inatasan ni Aquino si Vice President Jejomar Binay na pag-aralan kung nararapat bang bigyan si Marcos ng state burial.  Anya, hindi magiging maganda kung ang desisyon ay manggagaling lamang sa kanya.

Nitong Hunyo, inirekomenda ni Binay  na hindi dapat ilibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani ngunit maaari itong bigyan ng full military honors sa sandaling pagdesisyunan ng pamilya na ihimlay ito sa Ilocos Norte.

Matagal nang ipinipilit ng dating Unang Ginang na si Imelda na dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang kanyang asawa.  Ngunit mariin itong tinututulan ng iba’t-ibang pro-democracy at left-wing groups. 

 

(Ed: Nais namin kayong marini!  Kung may reaksyon o komento kayo tungkol sa artikulo, mangyaring i-post po laman.  Pwede ring mag-text sa BANDERA REACT <message, name, age, address> at i-send sa 4467.)

Read more...