Ang pagiging maselan ni Ping Lacson | Bandera

Ang pagiging maselan ni Ping Lacson

Ramon Tulfo - December 12, 2013 - 03:00 AM

THESE days, citizens can’t tell a policeman from a criminal.

May mga pulis na nag-aastang kriminal at may mga kriminal na nag-aastang pulis.

Ni-raid ng grupo ni Senior Insp. Alberto Gatus ng Quezon City Police District ang bahay na pag-aari ng isang mekaniko sa Paco, Maynila noong Dec. 11.

Wala ang may-ari ng bahay na si Raffy Mandanas.

May kasama ang mga pulis na nagturo kay Mandanas na bumili ng nakaw na motorsiklo.

Kahit na wala si Mandanas, pinilit binuksan ng mga pulis ang kanyang bahay.

Nang dumating si Mandanas ay nalaman niya na nawala ang kanyang dalawang cellphone at P47,000 na cash.

Hinalughog nina Gatus ang mga cabinet ng bahay kahit na alam nila na hindi magkakasya ang motorsiklo dito.

Walang natagpuang motorsiklo sa shop ni Mandanas na nasa baba lang ng kanyang bahay.

Hindi man lang nagsama ng mga opisyal ng barangay nang pinasok nina Gatus ang bahay ni Mandanas.

Isa sa SOP o standard operating procedure sa pagsasagawa ng raid sa isang bahay ay coordination sa barangay.

Bukod sa nakawan ang bahay ni Mandanas, ang isa pang krimen na ginawa ng mga pulis ay wala silang search warrant.

Nang kapanayamin ng inyong lingkod si Gatus sa “Isumbong mo kay Tulfo” radio program, pinabulaanan niya na pinasok nila ang bahay ni Mandanas.

Pero sina Ezekiel Rillo at Evelyn Manlapaz, mga kapitbahay ni Mandanas, ang nagpapatunay na pilit pinasok nina Gatus ang bahay.

Buko si Gatus sa kanyang pagsisinungaling.

Ang sinungaling ay kakambal ng magnanakaw.

Ako’y naniniwala sa paratang ni Mandanas na ninakawan siya ng mga pulis na nanloob sa kanyang bahay.

Sa Metro Manila, mabilis daw magresponde ang mga pulis sa tawag ng mamamayan kapag sila ay ninanakawan.

Mas mabilis pa raw kesa sa mga pulis sa New York na nakararating sa scene of the crime ng pitong minuto.

Sa Hong Kong, ang mga pulis ay dumarating sa alarma sa nagaganap na krimen ng limang minuto.

Sa Singapore ay tatlong minuto.

Sa Metro Manila, segundo o seconds lamang nandiyan na ang mga pulis.

Bakit ‘kanyo? Dahil sila ang mga gumawa ng krimen.

Mahihirapan si dating Sen. Ping Lacson na puntahan ang mga lugar na sinalanta ng super bagyong “Yolanda.”

Si Ping ay na-appoint na rehabilitation czar sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda.

Hanggang ngayon ay marami pang mga bangkay na nare-recover ng mga awtoridad.

Nagkalat din ang mga basurang gawa ni Yolanda.

Mabaho ng mga naaagnas na bangkay at basura ang Tacloban City at ibang lugar sa Leyte at Samar na dinaanan ni Yolanda.

Bakit ‘kanyo mahihirapan si Ping na puntahan ang mga lugar na nabanggit?

Dahil masyadong maselan si Ping. Ayaw niya ng makakita, makaamoy at makahawak ng dumi.

Noong siya ay nagkakampanya sa pagka-senador at maging sa pagka-Pangulo, paulit-ulit na hinuhugasan ni Ping ng alcohol ang kanyang mga kamay tuwing siya’y nakikipagkamay sa taumbayan.

Ayaw ni Ping Lacson ang mabahong amoy at diring-diri siya sa dumi.

Isa sa kanyang mga girlfriends ang nakapagsabi sa akin na kapag ginagamit ni Ping ang inodoro ay pinupunasan muna niya ito ng alcohol ng paulit-ulit saka niya upuan.

Ganyan si Ping kaselan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya paano siya makakatagal sa baho ng basura at bangkay sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda?


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending