Mark Andrew Yulo may hugot sa 'sakripisyo ng magulang'

Mark Andrew Yulo may hugot sa ‘sakripisyo ng magulang’, patama sa mga anak?

Therese Arceo - May 06, 2026 - 07:01 PM
Mark Andrew Yulo may hugot sa 'sakripisyo ng magulang', patama sa mga anak?

USAP-USAPAN ngayon sa online world ang sunud-sunod na pagbabahagi ng cryptic posts ni Mark Andrew Yulo, ama ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Sa isang Facebook My Day ay ibinahagi niya ang umano’y tao na sumasamba sa pera.

“Di ka bagay dito, dun ka bagay! Sa mga taong palara, sa mga taong nakahiga sa salapi, sa mga taong dinudiyos ang pera, sa mga taong sinasamba ang piso, dun ka bagay!” mababasa sa kanyang post.

Bagama’t walang inilabas na pangalan, mabilis na naghinala ang mga netizens na mukhang may pinagdaraanan na naman ang kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo waley sa house blessing ng 2 anak, inintriga: Isyu yarn!?

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pakiramdam ng mga netizens ay may sigalot sa pagitan ni Andrew at kanyang mga anak.

Bukod pa rito, naging palaisipan rin sa madlang pipol ang kanyang sinabi patungkol sa “walang kwentang” anak.

Meron ring hugot si Andrew na, “Sana Maalala Nyo din mga Anak at mga Estudiyante

sakripisyo nang mga magulang Nyo ng Nanay Mama, Tatay, Papa, Lola, Lolo.

“Give Honor to your Loving Parents. Mahalin Nyo sila habang Nan diyan pa mga magulang Nyo. Kung ano man ang narating Nyo ngayun

mag pa Salamat sa Dios Then Honor your Loving Parents.”

Matatandaang marami sa mga netizens ang nagtataka dahil absent ang mag-asawang Andrew at Angelica sa house blessing ng kanilang mga anak na sina Karl at Eliza.

Pero present doon ang kanilang kuya na si Carlos Yulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“To finally having a place to call your own—your own peace and your own beginning,” post niya na kuha mula sa house blessing event ng mga nakababatang kapatid.

Sa kasalukuyan, wala pang direktang paglilinaw mula kina Mark Andrew o sa kanyang asawang si Angelica tungkol sa tunay na kahulugan ng mga nasabing post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending