Bea Millan-Windorski wapakels na mabansagang mangga

DEDMA si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski sa mga timatqwau sa kanya ng “mangga” dahil sa korte ng kanyang baba.
Sa kanyang panayam sa “The Long Take” nitong Martes, May 5, sinabi niyang bet niya kapag tinatawag siyang mangga.
“Another one of my, like, the bashing comments that I actually really like is people call me ‘mangga’ because of my face shape,” saad ni Bea.
Pagpapatuloy niya, “But mangoes are my favorite fruit. So, okay, go on. Call me ‘mangga.’”
Baka Bet Mo: Bea Millan-Windorski ng La Union itinanghal na Miss Universe Philippines 2026
View this post on Instagram
Matatandaang minsan na ring naikuwento ni Bea ang tungkol sa kanyang naranasang pambubully noon.
Pero natutunan na rin niyang tanggapin ang kantang imperfection dahil ito ay nakuha niya mula sa ina at kanyang lola.
“I would rather honor the stories of the women who came before me than fit a certain beauty standard,” sey ni Beq.
Para sa mga hindi aware, ang dalaga na representante ng La Union ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2026.
Si Bea ay ipinanganak sa Milwaukee, Wisconsin, United States ngunit sa kabila nito ay nananalantay sa kanya ang dugong Pinoy mula sa side ng kanyang ina.
Siya rin ang nakatakdang mag-represent para sa Pilipinas sa darating na 75th edition ng Miss Universe sa Puerto Rico sa November 2026.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
