Alvin Aragon umapela sa mga senador, bed scenes pinapatigil

Alvin Aragon umapela sa mga senador, bed scenes pinapatigil

Therese Arceo - May 06, 2026 - 03:24 PM
Alvin Aragon umapela sa mga senador, bed scenes pinapatigil

NANAWAGAN ang aktor na si Alvin Aragon sa mga senador patungkol sa mga bed scenes sa mga teleserye at pelikula.

Sa isang pahayag, tinawag niya ang pansin ng mga mambabatad at kinuwestiyon ang pagpapakita ng mga intimate scenes sa mainstream media ng mga artista na may asawa na sa totoong buhay.

“Mr Senators and Mrs Senators. Diba ho dapat din itigil ang paghaluin ang Saliva ng leading lady na may asawa na at ang Saliva ng leading man na may asawa na sa kanilang Bed Scenes?” saad ni Alvin.

Aniya, malaki ang impluwensiya ng mga teleserye at pelikula sa bansa at sa mga manonood nito.

Baka Bet Mo: Boy Abunda kay Alvin Aragon: You cannot impose your faith

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang mga teleseryes and Philippine Movies ho kasi ang isa sa pinaka malaking influence sa buong bansa natin kung bakit maraming pamilyang nasisira kasi puro affairs,” pagpapatuloy ni Alvin.

Lahad niya, ang paulit-lulit na exposure sa ganitong uri ng content ay nakapag-aambag sa mga problema tulad ng teenage pregnancy at pagbaba ng moralidad sa lipunan.

“Nakakapagpainit ng sobra” umano ang mga ganitong eksena sa mga Pinoy ayon pa kay Alvin.

“Ang Art po ay Hindi para dalin ang tao na magkasala sa harapan ng Diyos,” dagdag pa niya.

Dapat raw ay talakayin ng mga senador ang mga regulations ng mga intimate na eksena, lalo na ang mga kinasasangkutan ng mga artistang may asawa sa telebisyon at pelikula.

“Nuon pinagusapan ang baklang nag cr sa pambabae, Pwede po ba pagusapan din jan sa Senate kung paano ihinto yung mga Bedscenes sa mga teleseryes and films ng mga kasal na artista?” hirit pa ni Alvin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending