Katrina Halili, Kris mas naging mabuting tao dahil kay Katie

Katrina Halili, Kris Lawrence mas naging mabuting tao dahil kay Katie

Ervin Santiago - April 27, 2026 - 07:00 AM
Katrina Halili, Kris Lawrence mas naging mabuting tao dahil kay Katie
Katrina Halili, Kris Lawrence at Katie

NAPAKARAMING nagbago sa mga pananaw sa buhay ng ex-celebrity couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence nang dahil sa anak nilang si Katie.

Kahit nagkahiwalay ay nananatiling magkaibigan sina Katrina at Kris at maayos ang kanilang co-parenting agreement para sa anak nilang nasa autism spectrum.

Marami ang nag-aakalang nagkabalikan na ang dating magkarelasyon pero hindi raw ito totoo, ayon sa dating magdyowa.

Mas gumanda at naging productive lang daw ang samahan nila ngayon dahil na rin sa pagmamahal at pag-aalaga nila kay Katie na may mga special needs.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan ay ibinahagi nga nina Kris at Kat ang mga naging pagbabago sa personal nilang mga buhay.

Sabi ni Kris, “One thing I realized about myself was that I became softer, I became more patient. And not only did I become a dad, I became a better human being.”

Sinang-ayunan naman ito ni Katrina, “Humaba ‘yung pasensya ko sa mga bagay-bagay, tapos mas grateful sa mga small things.

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mas na-appreciate mo ‘yung mga small things. Mas naging matibay para sa anak ko, halos nagkaroon ng purpose sa buhay ko,” aniya.

Inamin naman nina Katrina at Kris na matinding challenge rin ang pinagdaraanan nila sa pagpapalaki kay Katie. 

Ayon sa Kapuso actress, napakahalaga raw talagang mabigyan nila ng quality time si Katie at ang pag-intindi sa bawat bagay at pagkakamali na nagagawa nito.

“Minsan may mga nagagawa siya na parang akala natin, sobra na, dapat palawakin natin ‘yung isip natin, intindihin natin sila,” aniya pa.

Tulad din ni Katrina, hindi rin daw nawawala ang takot at pagkabahala ni Kris sa pagkakaroon ng anak na nasa spectrum lalo na noong batambata pa ito.

Kaya naman talagang effort para sa kanilang mga magulang na alamin at intindihin kung ano ang ibig sabihin ng kanilang mga ginagawa.

Sabi ni Kris, “As a human, of course, may takot talaga, but you have to show up. When love is what drives you, the answers will come.”

Until now ay nagte-therapy pa rin si Katie, at sumailalim na rin sa stem-cell therapy upang mas mapabuti ang lagay ng bagets.

In fairness, mas naiintindihan na raw nila ngayon si Katie kapag nagkakaroon sila ng conversation. Sabi ni Kris, “She knows how to put things together.”

Bumilib nga raw ang singer-songwriter sa anak minsang nagkaroon ito ng exercise sa kanyang tutor kung saan pinasulat siya ng script. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ng proud tatay, “When I read the script, it actually made a good script, it made sense. So I was like ‘Para maisip ni Katie ‘to, ang galing.’ Kasi iba-iba ‘yung perspective ‘yung nasulat niya.'”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending