Ika-6 diretsong panalo puntirya ng Petron

Games Today
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Petron Blaze vs. Air21
8 p.m. San Mig Coffee vs. Meralco
Team Standings:    Petron  (5-0);   Ginebra  (4-1); Rain Or Shine  (4-2); Talk ‘N Text  (3-2); Globalport   (3-3); Barako Bull (2-3); Meralco (2-3); Alaska   (2-4); SanMig Coffee (1-4); Air21  (1-5)

HAHATAKIN ng Petron Blaze ang winning streak nito sa anim sa pagharap  nito sa Air21  sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa isa pang laro  ay magkikita ang SanMig Coffee at Meralco na kapwa naghahangad na ma-kabalik sa win column.
Ang Boosters ang tanging koponang hindi nakalasap ng pagkatalo sa torneyo.

Subalit noong Sabado ay dumaan sa butas ng karayom ang Boosters bago naungusan ang Alaska Milk, 86-85. Ang Boosters ay bi-nubuhat ng higanteng si June Mar Fajardo na may average na double-double sa limang laro.

Malaki rin ang kontribusyon ng reigning PBA Most Valuable Player na si Arwind Santos.Ang mga panalo ay naitatala ng Petron bagaman  injured ang mga players nitong  sina  Alex Cabagnot, Chris Ross, Ronald Tubid at Yousef Taha.

Sa kabilang dako, tinapos ng  Air21 ang 5-game losing streak nito sa pagtala ng unang panalo kontra Barako Bull, 92-77, noong Sabado.

Read more...