Maynilad pinagmulta ng MWSS sa kapos na serbisyo

Maynilad pinagmulta ng MWSS sa kapos na serbisyo sa Muntinlupa, West Zone

Jan Escosio - April 21, 2026 - 05:12 PM
Maynilad pinagmulta ng MWSS sa kapos na serbisyo sa Muntinlupa, West Zone

IKINALUGOD ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang naging aksyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay sa mga reklamo ng mga kustomer ng Maynilad sa West Zone.

Pinagmulta ng MWSS – Regulatory Office ng P54.28 milyon ang Maynilad dahil sa putol-putol na suplay ng tubig.

Kasabay nito, sinabi ni Biazon an mahalagang hakbang ang pagbibigay ng P327.96 rebate sa bayarin sa tubig ng mga kustomer ng Maynilad.

Ngunit, iginiit ng alkalde na kailangan ang pang-matagalang solusyon sa paulit-ulit na isyu sa suplay ng tubig.

Baka Bet Mo: Manila Water, Maynilad hindi na pagbabayarin ang gobyerno

“Bagamat hindi nito mababawi ang perwisyo at abala na dinanas ng ating mga kababayan, inaasahan natin na magsisilbi itong paalala sa water concessionaire na gampanan ang kanilang obligasyon na maghatid ng tuloy-tuloy at maayos na serbisyo,” sabi pa ni Biazon.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Biazon sa mga kinauukulang ahensya na magsagawa ng masusing pagsusuri sa kalidad ng tubig ng Laguna de Bay, na idinahilan ng Maynilad sa isyu ng napuputol na suplay ng tubig.

Idiniin nito na nararapat lamang na matiyak ang kalidad ng tubig sa Laguna de Bay at para masolusyonan ang isyu ng water treatment at water distribution.

Noong nakaraang Marso, nakaharap ni Biazon ang mga matataas na opisyal ng Maynilad dahil sa isyu ng suplay ng tubig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending