May sumpa…Heart mamalasin kay CHIZ


NATATAKOT din siguro si Heart Evangelista sa “sumpa” ng kanyang mga magulang kaya ayaw pa niyang isipin ang pagpapakasal kay Sen. Chiz Escudero.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin malinaw kung tanggap na ng parents ni Heart ang senador bilang boyfriend ng kanilang anak, mismong ang Kapuso actress na ang nagsabi na hindi pa bumabalik ang dating relasyon nila ng kanyang ina at ama, pero open na raw ang kanilang communication.

May mga naniniwala pa rin kasi sa pamahiin ng mga Pinoy na kapag hindi ibinigay ng magulang ang kanilang blessing sa pagpapakasal ng kanilang anak ay mamalasin ito at hindi magiging masaya sa piling ng kanyang mapapangasawa.

At hangga’t hindi raw natatanggap ng parents ng aktres si Chiz, hindi dapat magpakasal ang dalawa. Ayon nga kay Heart, “Actually I don’t really get to speak to my Mom at all, my Dad I get to say hi to him.

We’re still not there yet.”  May mga nagsasabi naman na kahit gustuhin ni Heart na magpakasal na sila ni Chiz sa simbahan ay hindi pa rin pwede dahil hindi pa annuled ang church wedding nito sa dating asawa.

Sa huling interview ng press kay Heart sa presscon na ibinigay sa kanya ng Tanduay bilang 2013 calendar girl, sinabi nitong pwedeng-pwede na siyang lumagay sa tahimik pero feeling niya, hindi pa ito ang panahon.

“You know, okay lang sa akin kung ikakasal ako. I’m 28, but at this point now’s not the time to get married,” sey ni Heart.
Sa tanong kung anong quality ni Chiz ang gustung-gusto niya, “I appreciate him kasi when it comes to my dressing up.

When it  comes to my past relationships and the stupid things I’ve done in my past which I’m very open to him about, my escapades or whatever. He’s very open-minded and it made me who I am so okay siya du’n.”

( Photo credit to Google )

Read more...