Kris Aquino ka-level na si Angelina Jolie, Princess Di

Take Our Poll

DATI nang napabalita na si Kris Aquino, ang bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy ang nais italagang Ambassador of Goodwill sa UN High Commission for Refugees.  Ngunit kahapon lang kinumpirma ng Palasyo na si Kris nga ay napupusuan ng isang lupon para maging Ambassador of goodwill ng UNHHCR.

Pero ano nga ba’ng meron kay Kris para siya gawing Ambassador of goodwill sa UNHCR?  Kwalipikasyon ba ang pagiging kapatid ng pangulo para makitungo at harapin ang mga suliranin ng refugees, o nagsisilikas?  Si Princess Diana naging Ambassador of Goodwill sa UNHCR dahil sa pagkilos nito kontra landmine sa Horn of Africa, bunsod para gawin itong ilegal na armas.

Maging ang Hollywood actress na si Angelina Jolie ay sumabak na sa misyon na tulungan ang mga refugees na biktima ng disaster at maging mga ethnic war sa iba’t ibang bansa bago pa tuluyang maitalagang Ambassador of Goodwill noong 2001.

Nasubukan na ba ni Kris maglingkod sa mga refugee camps na nadisplaced dahil sa mga gera at ethnic-conflict; flood; tsunami at earthquake?

Read more...