
ITINALAGA ni Pangulong Ferdunand “Bongbong” Marcos Jr. si Dita Angara-Mathay bilang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT).
Pinalitan ni Angara-Mathay si Christina Garcia-Frasco, na pinamunuan ang kagawaran simula 2022.
Ang pagbabago sa pamunuan ng DOT ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO).
Isinalarawan ng PCO si Angara-Mathay na may malawak na karanasan sa kalakalan, pamumuhuan at pandaigdigang ekonomiya.
Baka Bet Mo: Christina Frasco sa DOT promo materials issue: I’m simply working
Nagsilbi siya bilang commercial counselor sa Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo at naging instrumento para mapagtibay pa ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at Japan.
Tiwala ang Malakanyang na mapapalakas at mapapagtibay ng bagong miyembro ng gabinete ang industriya ng turismo para sa pag-unlad ng ekonomiya.