Anne Curtis, Mimiyuuuh nakipagkulitan kina Merryl Streep, Anne Hathaway

ALIW ang naging kulitan ng Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis at content creator na si Mimiyuuuh sa mga bida ng “The Devil Wears Prada 2” na sina Merryl Streep at Anne Hathaway.
Sa inilabas na Facebook reels ng 20th Century Studios, makikita ang dalawa na present sa premiere night sa Tokyo, Japan ng naturang pelikula.
“We are so excited to watch the film and be here at the event,” saad ni Anne.
Dugtong naman ni Mimiyuuuh, “Maliban sa mga looks na makikita natin, excited ako to meet the casts.”
Baka Bet Mo: Anne Curtis nasaksihan paglipad ng mga jet habang nasa eroplano pa-Dubai
View this post on Instagram
Pawang mga snippets lamang ng mga ganap nina Anne at Mimiyuuh sa naturang event ang mapapanood at ilang clips na kuha sa interview nila sa dalawang bida.
Makikitang pinuri ni Merryl si Mimiyuuuh sa suot nitong dress.
Hindi naman malinaw kung sino sa dalawa ang pinuri ni Anne Hathaway sa kanyang suot na sapatos.
Samantala, may mga fans na excited at ibinahagi ang screenshot ng encounter ng two Filipino celebs sa mga bida ng “The Devil Wears Prada 2”.
Tila kinabahan pa nga si Anne nang makita ang naturang tweet dahil sa pag-aakalang na-leak ang kanilang interview na hindi pa ipinapalabas.
Agad namang sumagot ang netizen na nag-post at sinabing mula ito sa 20th Cebtury Studios.
Di naman maiwasang mag-comment ng ilan sa naturang post lalo na’t nag-react si Anne.
“Ako ‘yung kinabahan sa ‘yo te,” saad ng isang netizens.
Samantala, mapapanood na sa April 29 ang “Devil Wears Prada 2”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
