Ogie Diaz may chika, aktres hiniwalayan dahil sa pagiging ‘walker’

TRENDING at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media kung sino ang aktres na tinutukoy ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang pa-blind item.
Sa nagdaang episode kasi ng “Showbiz Update”, isang pasabog ang inilabas ng talent manager tungkol sa aktres na nali-link ngayon sa isang mayamang negosyante na humaling na humaling umano sa nauna.
“Nakarating sa [angkan ng mayamang negosyante] na itong si girl ay walker,” saad ni Ogie.
Pagpapatuloy niya, “So para mapatunayan ng pamilya doon sa kanilang kaanak na negosyante na humaling na humaling doon sa girl, na nagsasabi sila ng totoo, siniyasat nila ang girl. Pina-entrap nila.”
Baka Bet Mo: Ogie Diaz may kundisyon bago payagang mag-showbiz ang mga anak
Kuwento pa ni Ogie, isang kaibigan raw ang ni-reach out ng kaanak ng mayamang negosyante para i-text ang aktres at alukin ng one night stand sa halagang P600,000.
Sumagot raw ang aktres na payag ito na siyang naging ebidensya ng kaanak dahilan para hiwalayan ito ng negosyante.
“Na-off na ‘yung guy kasi akala niya with sincerity ang kanilang relationship,” sey pa ni Ogie.
Sadly, nawalan na ng dyowa ang aktres at hindi rin niya natanggap ang P600,000 na pain lamang.
“Ang kanyang initials, may kinalaman sa isyu sa politika. Pinag-uusapan yan,” hirit pa ni Ogie.
Dagdag pa ni Mama Loi, “Is there a letter ‘shh’?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
