Palasyo kakasuhan mga pupuntirya kay PBBM, first family

NAGBABALA si Acting Presidential Communications Office Chief Dave Gomez sa madlang pipol na handa magsampa ng kaso ang Palasyo laban sa mga magpapakalat ng fake news tungkol kay Pangulong Bongbong Marcos at sa pamilya niya.
Ito ay matapos ang naging paghahain ng kaso ni Gomez sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes, April 7, laban sa mga nasa likod ng Facebook page na “Malasakit News Pilipinas.”
Nagpapakalat kasi ang naturang page ng mga pekeng impormasyon kaugnay sa nangyayaring energy crisis sa bansa bunsod ng gyera sa Middle East.
Sinabi rin ni Gomez na wala umanong palalampasin ang Palasyo kung mapapatuyan nilang may nagpapakalat ng pekeng impormasyong laban sa First Family.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos magbibigay ng P200k sa bawat barangay sa bansa
View this post on Instagram
“Will you do the same against the individuals spreading fake news against the first family?” tanong naman ng media kay Gomez.
“Yes, no one will be spared.” sagot naman niya.
Ayon pa kag Gomez, handa raw silang maghain ng kaso sa mga mapatutunayang magpapakalat ng maling impormasyon sa First Family kagaya ng naging paghahain nila ng kaso sa Facebook page ng Malasakit News Pilipinas.
“Basta mapatuyanan nating fake news, we will file charges against them,” sey pa niya.
Diin pa ni Gomez, lahat lahat ng mapapatunayang nagpapakalat ng fake news ay kakasuhan ng Palasyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
