Bianca de Vera, Dustin Yu sweet sa Taiwan, magdyowa na ba?

HARD launch na ba ng kanilang relasyon ang ginawa nina Dustin Yu at Bianca De Vera?
Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang mga larawan nila na kuha mula sa kanilang adventure sa luntiang Qingtiangang Circular Trail sa Taipei, Taiwan.
Kabilang sa mga highlight ng carousel ang isang mapaglarong larawan ni Dustin na binubuhat si Bianca sa likod habang pabirong tinatakpan nito ang kanyang mga mata gamit ang mga kamay.
Nag-post din siya ng video kung saan makikitang masayang naglalaro ang dalawa sa magandang damuhan.
Baka Bet Mo: Bianca de Vera may hugot sa ‘betrayal’, Will Ashley nagpaliwanag
View this post on Instagram
“It’s so beautiful here,” saad ni Bianca sa captiom.
Samantala, nag-post rin si Dustin ng mga larawan gata ng Kapamilya actress na may caption naman ng “Beautiful nga.”
Hindi pa kinukumpirma nina Dustin at Bianca ang kanilang relasyon, ngunit ilang beses na silang nakitang magkasama, kabilang na ang mga biyahe sa ibang bansa tulad ng sa Vietnam noong nakaraang buwan at kamakailan lamang ay sa Hong Kong.
Naging mag-final duo ang dalawa sa kanilang naging journey sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 1.0.”
Sa kasalukuyan, tampok sina Dustin at Bianca sa “The Secrets of Hotel 88” kasama ang kanilang kapwa “PBB Celebrity Collab 1.0” housemates.
Lumabas din sila sa “Love You So Bad” kasama si Will Ashley.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
