HOROSCOPE, December 10, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, December 10, 2013

Madam Sophia - December 10, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Isang kaibigan ang lalapit upang humingi ng tulong. Hindi mo siya dapat tanggihan. Sabi nga sa Paskong darating: “It is wonderful to get the answer of prayers, but  it is even more wonderful when God converts you into an answer of somebody’s prayers.” Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—Kung buuin mo ang Simbang Gabi mas mabilis na masosulusyunan at matatapos ang mga  problema. Sa pamamagitan ng taimtim na debosyon at panalangin, biglang matutupad ang iyong Christmas wish. Mapalad ang 1, 7, 26, 32, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Nirayana-Jiva-Om.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sundin ang sinasabi ng damdamin! Sa pag-ibig ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon hatid ng isang Capricorn. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Pink at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, sariling diskarte ang atupagin upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 6, 9 19, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— ‘Wag dayain ang sarili! Kapag alam mo ng palugi ang investment tumigil ka na bago malubog sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung alam mo namang iskadalo ang magiging wakas, wag ng ituloy ang relasyon bawal. Mapalad ang 3, 13, 22, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Red at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Iwasang magdalahira! Sa pinansiyal, imbis na maging pera, magiging bato pa, kung papakialaman at ikukunweto mo na naman ang buhay ng iba.  Sa pag-ibig, kung ayaw mapaki-alaman wag mong paki-alam ang buhay ng iba.  Mapalad ang 2, 9, 20, 29, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kailangang magsakrispisyo! Sa pinansiyal, mag-ipon para sa kinabukasan ng anak at magiging anak pa. Sa pag-ibig, i-sacrifice ang sariling kaligayahan, alang-alang sa iyong kasuyo na mareklamo at mapag-hanap. Mapalad ang 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Huwag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Panahon na para magtipid. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na palang savings. Mapalad ang 8, 10, 28, 32, 35 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— ‘Wag magdesisyon ng nakabatay sa damdamin! Hindi awa ang dapat, pairalin kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang mananaig paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Likas kang suwerte! Lalo na sa career at pag-ibig. Sa career may mga pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran, habang sa pag-ibig, maaaring isang foreigner ang iyong maka-isang dibdib. Mapalad ang 1, 18, 23, 38, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Asuras-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansiyal, wag mo silang intindihin ang mahalaga tumatabo ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pagpasensyan ang pagigng makulit ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansiyal, wag ubusin ang pera sa layaw at pagpapasarap ng katawan. Magtira para sa kinabuaksan! Sa pag-ibig, paglaanan ng ibang araw ang espesyal na date ninyo ng iyong kasuyo.  Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agiel- Zazel-Yophiel”. White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo, wag manghinayang sa load – “unli” ka naman! Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending