Jasmine, Sam sobrang in love sa isa’t isa

SAM CONCEPCION AT JASMINE CURTIS SMITH

ANG ganda ng aura at ang saya-saya ni Jasmine Curtis Smith noong Sabado sa live episode ng SpinNation – nalaman namin na nasa studio pala ang kanyang special friend na si Sam Concepcion.

Ang isa sa pinahulaang kanta sa programa ay ang “Dati” na kinanta ni Sam sa nakaraang Filipino Pop Music Festival na in-interpret ng binata kasama sina Tippy Dos Santos at Quest na sinulat naman nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana.

Say ni Jasmine na talagang ngiting-ngiti, “Kinikilig ako, gusto ko ‘yung kanta, magaling na singer ang kumanta nito.”

Sabi ng mga taong nasa studio ay super sweet sina Sam at Jasmine habang hindi pa nag-uumpisa ang SpinNation na binibigyan pa ng tips ng binata pagdating sa hosting.

“Sobrang suporta ni Sam kay Jas kaya ang ganda ng aura niya at buong show, kitang-kita mo na kinikilig talaga at hindi naman niya ito itinanggi,” say ng aming source.

Nalaman din namin na ang pinaka-bossing ng TV5 na si Manny V. Pangilinan ay talagang natuwa sa magandang episode ng SpinNation kaya nag-text siya sa isang executive ng programa at binati si Jasmine, binasa pa nga ito sa ere kaya sobra-sobra ang pasasalamat ng dalaga.

Samantala, nag-trending number one ang #SpinNationPH ng tatlong beses kasama ang #ALLIHARVARDonSPINNationPH at ILoveSPINNationPH kaya lahat ng tao sa studio ay tuwang-tuwa dahil maski na super late ng umeere ang programa ay marami pa rin ang nanonood nito.

Ang isa rin sa dahilan kaya nag-trending ang SpinNation noong Sabado ay dahil special guest nila ang America’s Next Top Model finalist na si Allison Harvard na kasalukuyang nasa Pilipinas para sa isang event.

Aliw ang lahat nang sumayaw si Allison ng “Kapag Tumibok Ang Puso” dahil sobrang game raw at feel na feel pa nito ang dance steps maski hindi naman niya naiintindihan ang lyrics ng kanta. Ha-hahaha!

Read more...