Jillian pumapag-ibig: Magsisinungaling ako 'pag sinabi kong hindi

Jillian Ward pumapag-ibig na: Magsisinungaling ako ‘pag sinabi kong hindi

Ervin Santiago - March 25, 2026 - 12:05 AM
Jillian Ward pumapag-ibig na: Magsisinungaling ako 'pag sinabi kong hindi
Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao

MAKAHULUGAN ang binitiwang pahayag ng Star of the New Gen na si Jillian Ward patungkol sa kanyang lovelife.

Natanong kasi ang Kapuso star hinggil sa tunay na estado ng kanyang buhay pag-ibig matapos siyang mag-perform sa “All-Out Sundays” ng GMA 7 nitong nagdaang Linggo.

Kinanta ni Jillian sa programa ang bago niyang single na may titulong “Pumapag-ibig”. Co-writer din ng kanta ang aktres kaya personal daw ito para sa kanya.

“Actually, ibinigay po siya sa akin na na-compose na po nila ‘yung song, pero marami akong mga binagong lyrics na mas na-express ko ‘yung nararamadaman ko talaga,” ang pahayag ni Jillian matapos ang performance sa GMA weekend variety show na “All-Out Sundays.”

Inialat pa ng dalaga ang kanta sa lahat ng nagmamahal, “Sana magustuhan n’yo po ‘yung song. Tuwing pinakikinggan n’yo ‘to, isipin n’yo na lang kung sino ba talaga ang nakakuha ng puso ninyo at talagang nakasapul sa puso ninyo. 

“This song is for everyone na pumapag-ibig,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Kasunod nito, tinanong nga si Jillian kung pumapag-ibig na rin ba siya ngayon. “Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi,” ang makahulugang sagot ng aktres.

Pero hindi na nagbahagi ng iba pang detalye ang aktres about her lovelife. May mga nagsasabing mukhang si Eman Bacosa Pacquiao raw ang tinutukoy ng dalaga.

Matatandaang sa past interview ni Jillian ay nabanggit niyang handa na siyang magkaroon ng boyfriend. Sa katunayan, may nanliligaw daw sa kanya at nag-promise na ipakikilala niya ang guy sa tamang panahon.

Napapanood pa rin si Jillian ngayon sa Kapuso action-drama series na “Never Say Die” kasama ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending