Si Vice Ganda naman ngayon ang pinag-uusapan sa social media. Kasi naman, puro pagtatanggol daw ang ginagawa nito kay Anne Curtis.
Ang aria ng ilan, bakit daw hindi in-spoof ni Vice Ganda ang running joke ngayon na pinasikat ng best friend niyang si Anne Curtis na “I can buy you, your friends and this club”.
Bakit noong kasagsagan ng controversy kay Arnold Clavio ay kaagad nitong in-spoof ang infamous dialogue niyang “panira ka ng araw”.
Expected na namin na gagawin ni Vice Ganda ang pagtatangol. One, they’re best friends. Two, pareho silang hosts ng noontime show ng Dos.
Three, hinding-hindi siya papayagan ng ABS-CBN na laitin o gawing katawa-tawa ang kapwa niya Kapamilya. At pang-apat, since he’s doing movie with Viva ay siyempre hindi rin papayag ang home studio ni Anne na paglaruan ang dalaga.
Obvious naman na pinipilit ng Viva na patayin ang hindi kagandahang publicity ngayon ni Anne na lumalabas na matapobre base na rin sa litanya niyang may halong panlalait kay Phoemela Baranda.
At kahit na nag-deny na si Phomela ay wa epek pa rin iyon dahil mas marami ang naniniwalang binayaran siya o pinangakuan ng kung ano para lang linisin ang pangalan ni Anne.
With that ay lumalabas na selective ang pang-i-spoof ng bida ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy. It appears na kapag nasangkot ang mga GMA artists sa isang eskandalo ay sila lamang ang puwedeng paglaruan ni Vice like what he did to Arnold Clavio.
Hindi nga ba’t pati si Jessica Soho ay pinaglaruan ni Vice? Anyway, sikat pa rin naman si Vice kaya naman ang feeling ng marami ay papatok sa takilya ang movie niyang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” kaysa sa movie nina Kris Aquino, Vic Sotto, Bimby at Ryzza Mae Dizon.
( Photo credit to Google )