Angel walang paki sa relasyong KC-Phil: Buhay nila yun, labas na ko du’n!


Wala nang balikang magaganap sa pagitan nina Angel Locsin at Phil Younghusband. Ayon kay Angel, unti-unti na siyang nakaka-move on sa break-up nila ng football player, at hangga’t maaari raw ay ayaw na muna niyang magkaroon ng bagong karelasyon.

Hindi man aminin ni Angel, parang may trauma pa rin siya sa hiwalayan nila ni Phil, as in talagang naapektuhan siya nang bonggang-bongga.

Though ayaw pa rin niyang idetalye ang tunay na rason sa kanilang break-up bukod sa nawalan sila ng oras sa isa’t isa, mahahalata mo na mahal pa rin niya si Phil until now.

Kasabay nito, na-shock din ang aktres sa balitang nagkakamabutihan na sina Phil at KC Concepcion, “Nabalitaan ko nga ‘yun. Siyempre nagulat pero marami kasing chismis-chismis lang talaga, bigyan natin ng benefit of the doubt.

Ako naman kung saan magiging masaya si Phil pero hindi ko talaga alam. Hindi ko kino-confirm,”  Pero sabi nga ni Angel, halos isang buwan pa lang silang magkahiwalay kaya, “Bilang ex-girlfriend parang ang bilis pero hindi naman sure kung totoo man or hindi.

Buhay naman nila ‘yun and labas na ako doon.” Aniya pa, patuloy ang pagmu-move on niya ngayong single na siya uli, “Patuloy ang buhay—kahit nasaktan, kahit gumagapang. Wala naman tayong choice, di ba, but to move on.”

( Photo credit to Google )

Read more...