Maris Racal ‘plot twist’ si Gian Bernardino, may something nga ba?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang diumano’y pagbandera ng Kapamilya actress na si Maris Racal sa larawan nila ng Cup of Joe vocalist na si Gian Bernardino habang may hawak na bulaklak.
Sa kanyang Instagram page ay proud na ibinahagi ng aktres ang dalawang larawan kung saan makikitang nakadantay sa kanyang balikat ang binata.
“Plot twist,” maikling caption ni Maris na may kalakip na heart emoji.
Mas lalong naintriga ang madlang netizens dahil ibinandera ito ng aktres dalawang araw bago ang Valentine’s Day.
Baka Bet Mo: Maris Racal umiiyak kapag walang project, walang pambayad ng bills
View this post on Instagram
Hindi nga napigilang ng mga netizens ang mapa-comment at manghingi ng paglilinaw mula kay Maris kung may something nga bang namamagitan sa kanila ng bokalista.
Narito ang mga komento mula sa mga celebrities at netizens:
“Maris as patron saint na tirador ng mga vocalists,” saad ng isang netizen.
Comment naman ni Albie Casino, “Stan ako ng Cup of Joe dude.”
“Hoy Maris! Linawin mo na agad kung kayo na o collab lang to bago ako mag-breakdown,” hirit naman ng isa pang netizen.
Dagdag pa ng isa, “Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo. Ano yan? Guesting lang ba yan o iiyak ako sa gedli?
Samantala, nakisali na rin sila Maris at Gian sa “Big Guy” trend na ibinahagi nila sa TikTok.
Kaya naman mas lalo pa tuloy nadagdagan ang hinala ng netizens na may something sa dalawa.
wala pa namang inilalabas na pahayag sina Maris at Gian hinggil sa kung ano man ang namamagitan sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
