Kuya Kim 3 beses nang nalagay sa panganib

Samantala, ipinakilala na sa media ang Atienza Naturale, ang malunggay-based supplement capsule na napakatagal ng panahong bahagi ng pamilya nina Lito Atienza, Kuya Kim at mga kapamilya nila.

Nag-umpisa ito bilang advocacy nila noong Mayor pa ng Maynila si Lito Atienza dahil lagi ngang bahagi ng kanilang feeding program ang malunggay hanggang sa ginawan na nga nila ito ng masusing pag-aaral na kahit saang parte yata ng Pilipinas ay maadaling matatagpuan.

Mismong ang kilalang It’s Showtime host na si Kuya Kim ang endorser ng kanilang sariling supplement dahil sa tindi ng mga pinagdaanang pagsubok nito sa kanyang kalagayang medikal eh itinuturing niyang ang pagkain niya ng malunggay simula noong magkaisip siya bilang tao ang isang mahalagang sangkap kung bakit ang mga pambihirang karamdaman ay kinakaya ng kanyang katawan.

“Of course I thank the Lord for giving me another lease of life dahil third time na nga akong nalalagay sa alanganin, but my being so physically involved sa exercise and sports and my long time exposure sa masusustansyang pagkain gaya nga ng malunggay ang malaking parte o rason kung bakit mas madali akong nakaka-rekober,” paliwanag pa ni Kuya Kim.

Ang ilan nga sa magagandang benefits ng malunggay ay ang pagbibigay ng magandang resistensya sa katawan, pag-e-enhance ng kaisipan, pagbibigay sigla sa sex life, pagiging maayos ng digestive system at marami pang iba gaya ng bonggang pampaalis ng lasing.

Kaya nga ng biruin namin si Kuya Kim sa naging iskandalo ng kanyang It’s Showtime co-host na si Anne Curtis at tanungin namin kung irerekomenda ba niyang painumin nito ang aktres-kaibigan ng kanilang supplement mabilis na “oo naman,” ang nasabi nito.

Pero naging maliksi ang pakiusap nitong huwag na siyang uriratin sa naturang bagay dahil ayon sa kanya, “Napakabuting tao ni Anne,” sabay kuwento na nitong mga nakaraang araw lang niya nadiskubre na kapag daw pala may spare time ang aktres ay dumadalaw ito sa mga ospital nang siya lang para makumusta ang mga batang maysakit.

( Photo credit to Google )

Read more...