Sulat mula kay O.N., ng San Dionisio, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Mas lalong naghirap ang buhay ko nang ako’y mag-asawa. Hindi pala totoo na ang pag-aasawa ay paglagay sa buhay na tahimik. Hindi pala tahimik ang buhay kapag wala kang pera. Mabuti pa noong dalaga pa ako. Maganda ang buhay ko noon sa aking mga magulang. Ngayon ay naglulugaw na kami. Hindi na nagkakasya sa amin ang kinikita ng asawa ko. Maliit lang kasi ang kinikita niya sa bukid. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Apat lang ang aming anak. Sana mabigyan mo kami ng paraan kung paano makaaahon sa hirap alang-alang man lang sa aming mga anak.
Umaasa,
O.N., ng San
Dionisio, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:
Palmistry:
Kung sa bukid lang ang kayod ng mister mo, malabo nga kayong makaahon sa hirap, isipin pang hindi ka naman nagta-trabaho upang makatulong man lang sa kanya. Samantala, kapansin-pansin ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin ang isang mabisang formula upang makaahon ang iyong pamilya sa hirap ay mag-abroad ka! Sa ganyang paraan makakakita ng bagong liwanag at pag-asa ang inyong pamilya.
Yayaman sa pagsisikap
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...