TV host naloka, aktres ayaw pag-usapan mga anak, lovelife

TV host naloka nang umayaw ang aktres na pag-usapan mga anak, lovelife

Reggee Bonoan - January 29, 2026 - 09:08 AM
TV host naloka nang umayaw ang aktres na pag-usapan mga anak, lovelife
Guess, guess who!?

GUSTONG tulungan ng kilalang TV host-content creator ang aktres para sa promo ng kanyang pelikula na ipalalabas na sa mga sinehan isa sa mga araw na ito.

Hindi lingid sa lahat na mahina ang mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan, patunay ang katatapos na 51st Metro Manila Film Festival na tatlong pelikula lang yata ang nakabawi sa puhunan.

Katwiran ng ibang kababayan natin ay sobrang mahal ng sine kaya aabangan na lang nila ito sa streaming platforms.

Anyway, ang TV host-content creator ay nag-suggest sa production na ang tema sa panayam sa aktres ay tungkol sa pamilya nito at kasama ang mga anak.

Hindi pa raw kasi ito nangyayari na makakasama ang mga anak ng aktres sa isang interview plus ang buhay pag-ibig nito ngayon.

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nang banggitin daw ito sa aktres ng assistant niya ay kaagad na itong tumanggi na out ang mga anak niya sa panayam dahil may kanya-kanya na silang buhay at ayaw nitong magulo ang kanilang pananahimik.

Bukod dito ay ayaw din daw pag-usapan ng aktres ang kanyang buhay pag-ibig dahil hindi naman daw showbiz ang dyowa at ayaw nitong magulo ang pribadong buhay.

Nang iparating kay TV host at content creator ang katwiran ng aktres ay naloka siya sabay tanong sa assistant, “Ano ang bagong pag-uusapan namin?”

Ibig sabihin ng TV host, sana ay may bagong ipakikita ang aktres tungkol sa personal nitong buhay dahil kung wala naman, maliban sa pelikula nito na kailangan na ng promo, ay huwag na lang daw muna.

Mag-iisip daw si TV host-content creator muna kung anong posibleng pag-usapan nila ng aktres lalo’t hindi na ito kasing sikat ng dati.

“Dapat nga maningil ako kasi promo ito ng pelikula nila,” katwiran ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending