Seksing kalendaryo ni Heart ilalagay ni Chiz sa CR


APRUB kay Sen. Chiz Escudero ang lahat ng larawang ginamit ng Tanduay para sa bago nilang calendar girl (2014) na si Heart Evangelista.

Inamin ng Kapuso actress na nakita lahat ng kanyang boyfriend ang picture na pinagpilian ng nasabing liquor company.
Sey ni Heart sa launching ng kanyang pagiging Tanduay calendar girl nu’ng Huwebes ng gabi, wala siyang naging problema kay Chiz nang ibalita niya rito ang nasabing proyekto.

“He’s very supportive sa lahat ng ginagawa ko, he’s very open sa mga ganitong bagay. In fact, he’s very happy sa naging result, sa layout.

He told me maganda raw at sosyal,” chika ni Heart na ang sexy-sexy ngayon dahil nagkalaman siya ng kaunti, hindi tulad noon na para siyang buto’t balat.

Hirit pa ng aktres, “Sabi nga niya, ipapa-frame niya, tapos I think idi-display niya raw sa CR. Ha-hahaha!” In fairness, sexy at classy ang mga kalendaryo ni Heart for Tanduay, sabi nga namin, kahit siguro mas maging daring pa du’n ang susunod niyang mga pictorial, lalabas pa ring class at hindi bastusin.

Sey nga ng Kapuso leading lady, nasa personality pa rin ng tao ang impact ng isang sexy pictorial. May nagtanong naman kay Heart kung ano ang masasabi niya sa mga balita na posibleng maging First Lady din siya ng Pilipinas kapag naging presidente ng bansa si Sen. Chiz.

Sey ng aktres, puro joke lang naman ‘yung naririnig niya tungkol sa pagtakbo ni Chiz bilang pangulo ng bansa, kaya ayaw  niyang mag-assume. Tsaka parang ang bata-bata pa naman daw niya para maging First Lady ng Pilipinas.

Sa isang interview naman na nabasa namin, ito ang sinabi ni Heart, “You know what, there are all these jokes about that. But you know what, in my heart, of course it’s selfish naman to say ano, parang ayaw ko, ganyan-ganyan, if he’s really destined.

“But really, for me, I don’t think I’d like that life. I wouldn’t want that life, it’s hard!” aniya pa. Dagdag pa ng bagong Tanduay calendar girl, sa pagkakaalam niya, sa ngayon ay wala naman daw sinasabi sa kanya ni Chiz na gusto niyang maging pangulo.

Samantala, muling nabuhay ang kumpetisyon sa pagitan nila ni Marian Rivera dahil kamakailan lang ay ni-launch din ito  bilang calendar girl ng Ginebra. May nagsasabi na gaya-gaya lang siya kay Marian.

Pero sey ni Heart, hindi na siya apektado sa mga ganitong intriga, pagod na raw siya sa isyu nila ni Marian, at para sa kanya, tapos na tapos na ang chapter na ito sa buhay niya.

Anyway, nalaman namin na hindi pala nagpaalam si Heart sa kanyang mga magulang nang gawin niya ang nasabing proyekto, as in pinanindigan talaga niya nang pagiging independent.

Pero naniniwala siya na magiging proud din sa kanya ang mga ito dahil napakaganda naman ng kinalabasan ng mga kalendaryo.

Sa naganap na calendar launching ni Heart, sinuportahan siya ng ilan sa Tanduay officials, sa pangunguna ng VP for Sales and Marketing nila na si Andres Co.

( Photo credit to Ervin Santiago )

Read more...