Pacman, BIR binusalan | Bandera

Pacman, BIR binusalan

Leifbilly Begas - , December 06, 2013 - 03:34 PM

IPINAGPALIBAN ng Court of Tax Appeals sa Enero 16 ang pagdinig sa kasong may kaugnayan sa buwis ni boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Kaugnay nito ay nag-isyu ang korte ng gag order sa dalawang kampo hinggil sa kaso. Matatandaang inakusuhan ni Pacquiao ang BIR at ang hepe nito na si Kim Henares na hina-harass siya makaraang ma-garnish ang kanyang mga bank accounts.

Nakatakda kahapon ang pagdinig sa petisyon ni Pacquiao na kumukuwestiyon sa writ of garnishment ng BIR laban sa kanyang mga ari-arian.

Kapwa namang sumang-ayon ang kampo ni Pacquiao at BIR sa desisyon ng korte. Nakatakda sanang iprisinta ng BIR ang mga ebidensya nito na walang hurisdiksyon ang tax court na dinggin ang kaso ni Pacquiao.

Noong Hulyo ay nagsumite ng petisyon sa tax court si Pacquiao na kumukuwestiyon sa ginawang assessment ng BIR na mayroon siyang hindi nabayarang buwis na lalagpas sa P1 bilyon.

Makaraan ang tatlong buwan ay nagsumite ng panibagong petisyon ang boxing champ na kumukuwestiyon din sa writ of garnishment na inisyu ng BIR

Ipinagpipilitan ng kampo ni Pacquiao na nakapagbayad na ito ng buwis sa mga kinita nito sa US mula 2008 hanggang 2009.
Giit naman ng BIR ay walang naipakitang dokumento si Pacquiao na makapagpapatunay dito.

Tax exemption kay Pacman

Naghain ng resolusyon si Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo na bigyan ng lifetime income tax exemption si  Pacquiao bilang ganti sa tagumpay na naibigay niya sa bansa.

Sa House bill 3521, sinabi ni Gunigundo si Pacquiao ay isa nang boxing legend at walang basta-basta makakabura sa nahawakan nitong walong titulo sa magkakaibang weight division.

“He is a gifted athlete with knockout punch, lighting fast speed, outstanding footwork, dexterity and solid chin. He is electrifying, exciting and a phenomenon.

This is a fitting expression of a nation’s gratitude for his achievements and in appreciation of the honor and inspiration he has brought to Filipino people,” ani Gunigundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa panukala ni Gunigundo, hindi na bubuwisan si Pacquiao sa kanyang mga kinita sa boxing at negosyo. Nilinaw naman ni Gunigundo na hindi na ibabalik kay Pacquiao ang mga buwis na naibayad na niya.

Pero hindi naman pababayaran pa sa kanya ang buwis na sinisingil ng gobyerno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending