Wynn Andrada may ‘K’ makipagsabayan kay Daniel Padilla

WYNN ANDRADA AT DANIEL PADILLA

Para sa lahat ng umiibig ang kauna-unahang solo album ng pinakabagong acoustic heartthrob ng Star Records na si Wynn Andrada.
Nakilala si Wynn ng publiko bilang singer-songwriter na isa sa 12 finalists sa songwriting competition ng ABS-CBN na “Himig Handog P-POP Love Songs 2013.”

“Punumpuno po ng love ang first album ko. Para po ito sa lahat ng umiibig, gustong maramdamang mahalin o magmahal, at sa mga napapangiti ng simpleng feeling ng pagiging in-love,” ani Wynn. “Alay ko po ito sa lahat ng sumuporta sa akin sa ‘Himig

Handog’ dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi matutupad ang pangarap kong maging isang recording artist.”

Tampok sa self-titled album ni Wynn ang song entry niya sa “Himig Handog” na “Tamang Panahon,” “Sana Kahit Minsan,” “Ako’y Sa’yo, Ika’y Akin,” “Sa May Bintana,” “Akin Ka Na Lang,” at ang carrier single niyang “Dito Ka Lang Sa Puso Ko.” Bahagi rin ng album ang minus one versions ng lahat ng tracks.

Ito ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P199 lang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph at www.starmusic.ph.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sa https://www.facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.

In fairness, pwedeng-pwedeng maging matinee idol si Wynn, bukod sa ganda ng kanyang boses, napakaganda rin ng kanyang tindig at artistahin talaga ang itsura. Kaya hindi na kami magtataka kung isang araw ay mapanood na rin natin siya na nakikipagsabayan sa kasikatan ng ultimate matinee idol ng ABS-CBN na si Daniel Padilla.

Sure na sure kami na makakaka-jackpot din ang ABS kapag nag-artista na rin si Wynn Andrada. Maganda kasi ang aura ng binata, bukod sa fresh ay napakaganda rin ng hagod ng kanyang swabeng boses.

Read more...