Si PNoy at ang media

BINANATAN muli ni  Pangulong Noy ang mga taga-media dahil sa negatibong balita laban sa kanyang administrasyon.

“Ganoon ho talaga ang kalakaran na patuloy pa rin yung tinatawag na negativism sense. Pag hindi tayo naghanap ng o hindi tayo gumawa ng kontrobersiya o isyu ay parang boring yung ating media,” sabi ni P-Noy.

Ginawa ng Pangulo ang pagbatikos sa media sa Bulung Pulungan sa Pasay noong isang araw.

Hindi raw nilalabas ng media ang ginawa ng gobyerno sa Bohol, Leyte at Zamboanga upang maibsan ang problema sa mga sinalanta ng kalamidad.

Si PNoy naman, parang di nagbabasa ng diyaryo o nakikinig ng balita sa TV.

Kapag naman gumawa ng mabuti ang kanyang administrasyon ay binabalita naman ng media.

Maganda ang ginawa niya sa Bohol, na sinalanta ng lindol, at Zamboanga City na sinugod ng mga rebeldeng Moro.

Hindi naging bulag ang media sa ginawa niyang matulog sa Bohol at Zamboanga upang ipakita sa mga tao na siya’y nakikiramay sa mga biktima ng na-tural and man-made calamities.

Pinapurihan siya ng media, kasama na ang column dito sa Bandera at INQUIRER ng inyong lingkod, dahil sa kanyang nagawang pagkilos nang mabilis.

Pero lubhang napakabagal ang paggalaw ng administrasyong Aquino sa Eastern Visayas na sinalanta ng Supertyphoon “Yolanda.”

Kapansin-pansin ang kabagalan ni P-Noy sa pagkilos niya upang maibsan ang hirap ng mga biktima ni Yolanda.

Nandoon ang inyong lingkod sa Tacloban City tatlong araw matapos bayuhin ni “Yolanda” ang lungsod at ang ibang lugar sa Eastern Visayas.

Nasaksihan ng aking mga kasamang doktor na miyembro ng aking medical mission ang kawalan ng kaayusan sa Tacloban.

Nasabi pa nga ng isa sa mga doktora na kasama ng medical mission kay Anderson Cooper ng CNN na nagtitiyaga na lang ang medical mission sa kaun-ting gamot na nahahagilap nila dahil nagkulang na ang aming dinalang gamot.

Lubhang napakarami ng pasyente na dumagsa sa aming tent noong mga araw na yun (Nov. 11 to 13) at kulang ang aming gamot.

Nang dumating ang mga doktor ng Department of Health sakay ng eroplanong galing Maynila, pumunta ako sa kanila at humingi ng gamot para sa mga pasyente.

Anong sinabi ng mga DOH doctors sa akin? Wala silang dalang gamot dahil nagsasagawa pa sila ng “assessment of the situation.”

P*&^%$#! Di ba nila inalam bago sila pumunta ng Tacloban City ang sitwasyon sa mga lugar na nasalanta ng super typhoon?

Ang sagot sa akin ng mga doktor ng DOH ay tipikal sa paggalaw ng administrayong Aquino matapos bayuhin ni “Yolanda” ang Eastern Visayas.

Overwhelmed ang gobyerno sa ginawang pananalanta ni Yolanda sa Samar at Leyte: Hindi nila alam ang gagawin.
qqq

Ngayon, balikan natin si P-Noy sa kanyang pagbatikos ng media sa kanya dahil sa Yolanda.

Bakit naman siya pupurihin sa kanyang kabagalan at katangahan?

Gusto ba niyang lahat ay sumigaw ng “Hallelujah!” sa kanya kahit na mali ang kanyang kinikilos?

Aba, P-Noy, sumosobra ka na!

Trabaho ng media ang sabihin ang katotohanan.

Trabaho rin ng media ang batikusin ang gobyerno sa mga pagkakamali nito.

Media play an adversarial role in a democracy.

Kaya nga tinatawag ang media na “fourth estate” sa ating sistema ng gobyerno.

Ang first estate ay ang executive branch, na ang lider ay ang Pangulo.

Ang second estate ay ang Kongreso o ang Senado at Mababang Kapulungan.

Ang third estate ay ang hudikatura na pinamumunuan ng Supreme Court.

The first, second and third estates compose the government.

Each branch or estate of government is co-equal to one another.

There is a balance of power within the government because each branch is equal to another.

Ang media– na kinabibilangan ng diyaryo, radyo at telebisyon at pati na ang cinema—ay hindi kasama sa gobiyerno pero kasama ito sa balance of power.

The media, although not part of government, represent the people in the balance of power.

Alam kaya ni P-Noy ito?

Read more...