Vic napilit ni Kris na mag-mall show sa Cebu


Tumungo ng Singapore si Kris Aquino kasama ang favorite writer niya for Kris TV na si Darla Sauler at business unit head ng kanyang morning show na si Lui Andrada para dumalo sa Asian TV Awards na gaganapin ngayong gabi.

Isa ang Queen of All Media sa presenter sa tatlong kategorya bukod pa sa nominado rin siya bilang Best TV Personality. Hindi raw nominado ang Kris TV, “Ay hindi po, nominated si Kris as a person not Kris TV.”

Anyway, bukas din ay babalik ng Pilipinas si Kris dahil sa Sabado hanggang Linggo ay may promo sila sa Cebu para sa “My Little Bossings” na entry din sa 2013 MMFF.

Naalala namin ang sabi ni Kris sa nakaraang presscon ng “My Little Bossings” tungkol sa nasabing event, “Hindi pala nagmo-mall show si Vic (Sotto), e, umoo na ako sa mall show sa Cebu, kaya wala siyang magawa! Ha-hahaha!”

( Photo credit to Google )

Read more...