Sam YG na-hulicam mga maletang sakay ng government vehicle: Kaninong bilyones to?!

IBINANDERA ng radio and TV personality na si Sam YG ang na-hulicam na sasakyang may karga-kargang mga maleta.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang isang video kung saan nakuhaan niya ang isang government vehicle na may mga sakay na maleta.
“Mukhang may ‘delivery’ na naman!!” saad ni Sam.
Pagpapatuloy niya, “Aba!! Kaninong bilyones to?!”
Baka Bet Mo: Sam YG bumwelta: More than drowning in floods, we are drowning in corruption!
Agad naman nag-viral at pinag-usapan ang naturang post ni Sam.
Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng pagkainis na tila “harap-harapan” na ang panloloko sa mga Pilipino.
Matatandaang ayon sa naging pagdonig ng Senado hinggil sa maanolmayang flood control projects ay nabanggit na ang mga perang kinukurakot ay inilalagay sa mga maleta o mga kahon para i-delivery sa mga sangkot na public officials.
“Naka hazard light. Naka red plate. Hmm somethings smells fishy,” saad ng isang netizen sa post ni Sam.
Comment naman ng isa, “Isosoli nalang mga bag, empty napo yan. Para sa next transaction ulit.”
“dapat may access ang taong bayan sa mga plate number mapa private or public. para madali matukoy kung sino paldo,” sey naman ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
