Jolina dinugo, maselan pa rin ang pagbubuntis


Sa February na manganganak si Jolina Magdangal pero wala pa rin siyang napiling name ng kanilang baby boy. “Ang hirap talaga maghanap (ng name ng baby) pero may inililista na talaga kami.

Gusto ko talaga magkasundo kami ni Mark (Escueta) kung ano ‘yung pangalan talaga,” chika sa amin ni Jolens during the Christmas party for the press tendered by PPL Entertainment headed by Perry Lansigan.

Kasama ni Jolina na dumalo sina Dingdong Dantes, Rochelle Pangilinan, Ryan Eigenmann, Geoff Eigenmann, Wendell Ramos, Angelika dela Cruz, LJ Reyes, Carl Guevara and Arthur Solinap.

Tumingin na sa baby name books at internet sina Jolina at Mark Escueta pero undecided pa rin sila, “Ang gusto sana naming ay parang Italian or Brazilian name, ‘yung parang ganoon,” sabi niya.

Maselan palang magbuntis si Jolens dahil nag-spotting siya, “Pinag-bed rest ako ng one and a half month. Ang tayo ko lang wiwi, muntik na nga akong mag-bedpan, eh, ganoon siya kaselan.”

According to the ultrasound report, around February 21 manganganak ang singer-actress, “‘Pag eight months na ay magpapa-X-ray ako (para malaman) kung kaya ng sipit-sipitan na mag-normal dahil kung hindi CS.

Ke normal delivery or CS basta gusto ko lang nandiyan si Mark sa tabi ko habang nanganganak ako at maging safe ang delivery ko.”

When asked kung ano ang kanyang pinaglihihan ay walang masabi ang singer, “Kasi meron akong gustong pagkain na three days  lang. Meron akong favorite dati na nu’ng naitkman ko ay ayaw ko na, ‘yung langgonisang Lukban.

Favorite ko ‘yun, eh pero nu’ng isang kain ko recently parang…(ayoko na).” Ano naman ang adjustment ni Mark noong first few months ng kanyang pagbubuntis?

“Siguro ano, naging patient siya sa akin kasi naging sensitive ako na normal siya sa buntis. ‘Yung emotions mo parang roller coaster talaga.”

( Photo credit to Google )

Read more...