Sulat mula kay E.R., ng Barangay Banglay, Tangub CityProblema:
1. Nawalan ako ng trabaho nang ibenta ng may-ari ang pribadong kompanya. Hindi naman kalakihan ang kompanya. Binigyan naman ako ng separation pay at hindi ito maliit dahil matagal din naman akong naglingkod. Ngayon, nabayaran na namin ang aming mga utang at labis ang aming pag-iisip kung itataya sa negosyo ang nalabing pera.
2. Kaya sumangguni ako sa iyo para basahin kung ano ang tamang negosyo sa aming mag-adawa. Oktubre 2, 71 ang birthday ng misis ko at Peb. 1, 1971 ang birthday ko. Sana mabigyan ninyo kami ng magandang ideya kung ano ang angkop na negosyo sa aming mag-asawa na magpapayaman sa amin.
Umaasa,E.R., ng Barangay Banglay, Tangub CityAstrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) at nasa pagitan naman ng Libra at Scorpio ang misis mo ay nagsasabing swak na swak o tugma nga kayong mag-asawa sa negosyong may kaugnayan sa pagkain. Maaaring sangkap sa pagkain, o maaaring mga butil na may kaugnayan sa pagkain. Kaya nga ang grocery na halos araw-araw na nasa hapag kainan ng isang pamilya, tulad ng asukal, noodles, kape, itlog, bigas, mga delata, mantika, mga panahog, bigas, at kung ano-ano pa ay maaari nyong isa alang-alang.
Numerology:
Ang birth dates ninyo ay suwetong-suweto rin sa isa’t isa, na nangangahulugang lagi lang kayong magsama, magtuwang, magsosyo o magtulungan sa itatayo nyong negosyo, tulad ng naipaliwanag na sa Cartomancy, wala pang limang taon singkad na pagnenegosyo, mararamdaman nyo na ang pag-unlad hanggang sa tuloy-tuloy na yumaman.
Graphology:
Ang inyong lagda na parehong initial lang tapos ay aplido na agad, na hindi nababoy at naburara ang gumarantiya na simple-simple nyo lang makakamit at pagunlad at pagyaman, kung ngayong taon sisimulan ninyo na ang negosyong nabanggit na sa itaas.
Huling payo at paalala:
E.R., matutupad sa kapalaran mo ang kasabihang “blessing in disguise”. Dahil sa pagkawala ng trabaho, ito na nga rin ang magiging daan ng pag-yaman. Simulan nyo na ni misis ang negosyong binaggit sa itaas, sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre, habang pula ang gamitin ninyong opisyal na kulay ng inyong negosyo, at makikita mo, sa nasabing panahon, sa 2017, sa edad mong 48 pataas at ganon din ang edad ng misis mo, sa pamamagitan ng negosyong grocery o kaya’y bigasan, magsisimula na kayong umunlad, hanggang sa tuluyang yumaman nang yumaman.